Kabanata 30: TAHANAN

445 38 17
                                    

O ayan mga bobo the long wait is finally O.V.E.R. Sobrang na-appreciate ko bawat-isa sa inyo, at dahil diyan... napilitan akong mag-update, chos. Maraming salamat sa paghihintay!

***

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Pagpasok ko ng room kasunod ng nurse ay nakita ko si Johann na inaalalayan si Sammie sa pag-upo sa hospital bed. Hinanap ng paningin ko si Pat at Gab ngunit si Pat lang ang nakita kong nakaupo din doon sa loob ng isa pang ward. Abala ang ibang nurse sa pag-aasikaso sa kanila.

"Sir dito na lang po kayo maupo," sinundan ko ang nurse at naupo sa malapit sa gawi ng ward ni Sammie.

"Sammie are you alright?" tanong ko sa kaniya habang ginagamot ng nurse ang sugat ko. Binigyan niya ako ng blangkong tingin at saka binalik ang tingin sa nurse na nagaasikaso sa kaniya.

Alam ko na ang iniisip niya. Wala akong alam sa pangyayari at nasisiguro kong wala ding alam si kuya dito.

"Riva!" rinig ko ang sigaw ni Miss Maris mula sa labas kaya agad akong tumayo at tinignan kung anong nangyari.

"Shit! Ang tigas ng ulo talaga!"

"Miss Maris bakit po? Nasaan po si Riva?"

"A-ah... Ayon nauna na mukhang may aasikasuhin," hindi ko na narinig ang sinabi niya nang maagaw ng pansin ko ang paghagulgol na nagmumula sa kwarto kung saan dinala si McNeal.

Dahan-dahan ay humakbang ako papunta sa pinto at kunot-noong sumilip doon.

"H-he's gone..." biglang bumagsak ang balikat ko nang marinig ang mahinang bulong ni Miss Maris mula sa likuran ko.

"S-sh*t what?" hindi ako makapaniwala sa narinig. Parang may malamig na hanging gumapang sa batok ko at nanindig ang balahibo ko.

"W-what do y-you mean g-gone?" napatigil ako sa kinatatayuan nang marinig ang gumagaralgal na boses ni Sammie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"W-what do y-you mean g-gone?" napatigil ako sa kinatatayuan nang marinig ang gumagaralgal na boses ni Sammie. "You're f*cking kidding me right?" nang sabihin iyon ay nawala ang pagiging utal niya. Nanlalaki ang mga mata habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon