Kabanata 15: GINTO

618 43 7
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

Biyernes na at ito ang unang beses na gagamitin namin ang shooting range. Lahat ng pistol na nakalatag ay may mga bala at nagsimula na ring magtawag si Coach Axel ng mga mauunang sumubok.

Gabay parin ni Coach ang lahat kahit na may karanasan at gamay na ng halos lahat ang dapat gawin. Magaling siya dahil sa ilang linggong pagtuturo ay naipagawa niya sa amin ang proper handling, rules, safety management, basics, at kung ano-ano pa.

"Sayson," pinagmasdan ko si Vern mula sa pagkakatayo nito hanggang sa pagsuot ng safety gears. Hindi maitatangging mas may kaalaman na siya sa baril kumpara sa mga ibang kalalakihan na narito.

Nakakapagtaka lang ngayon dahil halata ang panginginig ng mga daliri nito. Tinignan ko si Coach at batid kong napansin niya rin ang panginginig ni Vern.

"Sayson kaya mo ba? Rules and safety guidelines baka nakaligtaan mo na?" kahit nasa likod ay rinig ang tanong iyon ni Coach.

"I can do it Coach," sagot niya at kinuha ang pistol. May tiwala naman si Coach dahil alam niyang alam na ni Vern ang gagawin kaya wala na siyang nagawa.

"Okay focus... whenever you're ready," huling instruction ni Coach bago hinayaan si Vern.

Lahat ay tahimik at hinihintay ang susunod na magiging kilos nito. Bawat detalye ay pinagmasdan ko mula sa paglapag ng mga paa paakyat sa mga nanginginig na kamay ni Vern.

Mukhang hindi maganda ang lagay ng kamay niya.

Ilang saglit pa ay kinalabit niya ang trigger. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko maging si Coach.

"Nice one bro!"

"WHOOOOH! Tropa ko yan!"

"Buot," tumayo ako at pansin ko naman ang mata ng lahat na nakatuon sa gawi ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pakinggan ang mga bulungan ng iba.

"Si Riva na dre."

"Ssshhh ang ingay mo."

"Coach?" mahinang tawag ko kay Coach.

"Yes? May problema ba?" nag-aalalang tanong nito ngunit umiling naman agad ako.

"Wala naman ho--- pwede ho bang isang kamay lang ang gamitin ko?" sinabi ko ito sa pinakamahinang paraan ngunit narinig pa rin ito ng mga tao sa harapan.

"Ha?"

"Hala... Isang kamay?"

"Ay oo noong nakaraan kasi diba naka-sling yung left arm niya?"

Napalingon si Coach sa ibang miyembro at pinakinggan ang mga bulungan nito. Bago pa man ako tanungin ay nakuha ko nang magpaliwanag.

"Kagagaling lang ho kasi ng kaliwang balikat ko Coach," kaya ko naman nang gamitin ang dalawa pero para makasigurado'y hindi na muna ako magpapasaway. Ayoko nang bumalik pa sa ospital at masermunan ni Meg.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon