- V E R N -
"Sorry coach, nahuli yata ako."
Hindi talaga ako makapaniwalang nasa loob kami ng iisang room ngayon. Bakit 'to narito? Secretary ba siya ni Coach? Kapag minamalas ka nga naman!
Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko, lalo na si Patrick. May tama 'to sa babaeng 'yon eh. Pasimple kong kinalabit si Gab at tinuro ang nakangangang si Patrick. Natawa kaming dalawa dahil doon.
"So, ikaw ang nag-iisang babae sa club? Miss Buot?" Natigilan ako sa ginagawa nang marinig ko ang sinabi ni Coach.
B-Buot? Anong surname 'yan?
Pero teka--- ano raw? Nag-iisang babae sa club? Ha?!
"Take your seat."
Napahawak ako sa dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Naiinis ako at parang kumukulo ang dugo ko sa mga nangyayari. Babae? Sasali sa isang delikadong sports? Is she serious? Anong trip niya?
Sabagay, hindi naman na bago ang ganitong sports sa mga kababaihan lalo na sa ibang bansa. Bakit ba ako nagrereklamo? Baka nga ayaw ko lang talaga siyang makita. Oo, ayaw ko talaga.
Hindi ako nagpahalata at sinilip kung saan siya uupo. Pumwesto siya sa dulo sa likod ng mga lalaki mula sa lower sections.
Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko, nasa sahig kami at walang upuan dito sa private room. Malinis naman dito pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Bakit ba kasi narito 'yang mangkukulam na 'yan?
"Okay, uulitin ko. Axel Monreal, just call me Coach Axel. Isa ako sa mga magiging instructor niyo. Actually, tatlo kami but they can't attend our orientation today so..." umupo lang din si Coach sa sahig at nagtuloy sa pagsasalita. "Tutulungan namin kayo sa mga gusto niyong ma-achieve tungkol sa sports na 'to. But before anything else, I want you to introduce yourself and then tell us the reason why did you join this club."
Siniko ako ni Pat. "Bro, anong sasabihin ko?" bulong niya.
"HAHAHA! Edi 'yung totoo! Na pinilit ka lang namin HAHAHA!" mahinang tawa ko.
"Baliw ka ba? A-Ayokong mapahiya, nandiyan si Riva," napakamot siya sa batok.
"Let us start with you, Miss Buot."
Nakatingin lang ako kay Coach dahil ayokong makita 'yung babaeng 'yon at baka malasin pa ako. Pero hindi ko maiwasang matawa kapag naririnig ko ang apelyido niya. BUOT! BUOT!
"Riva Bu---" rinig kong pagsasalita niya pero pinigilan siya ni Coach.
"Tumayo ka hija, pumunta ka rito sa unahan," utos ni Coach sa kaniya.
"Bro, 'yung crush mo!" pang-aasar ni Gab kay Pat at kinalabit pa ito mula sa likuran ko.
"Shut up..."
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
ActionLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...