Kabanata 32: LINGON

461 31 15
                                    

- V E R N - 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N - 

Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong ako ng ilang kakilala.

"Yosi?"

"No thanks. Pasok na ko sa loob," tinanguan lang nila ako.

Walang pinagbago sa lugar na 'to. Nagkalat ang patong-patong na sirang gulong, pila-pila ang mga lumang sasakyan, at halos wala nang makita dahil sa sobrang dilim.

Sa dulo ng talyer ay may isang container van kung saan doon dadaan papunta sa kuta ng Tetra. Dito nagaganap ang mga bagay na may kinalaman sa organisasyon. Dito ako nanirahan ng ilang buwan kasama si kuya para magsanay. Mula nang mapabilang kami dito ay hindi na biro ang mga pinagdaanan namin.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa makitid na hagdan ay rinig ko na ang ingay na nagmumula doon.

"Tatlong minuto!" rinig kong sigaw ni Boss Dice, ang namumuno sa Tetra.

Nang tuluyan na akong makababa ay nakangiti akong sinalubong ng isa sa mga kaibigan ko sa loob, Si Zethro.

"Pare! Saktong-sakto pagdating mo ah? Zoning kami ngayon, sali ka?" napatingin ako sa ibang nandoon na nagsisipaghanda para sa laban.

Ang Zoning na tinutukoy niya ay laban sa pagitan ng isa't-isa. Matira-matibay at kung sino ang mananalo, bukod sa patunay na malakas ka ay pwedeng humingi ng isang pabor kay Boss Dice.

Hindi ko naman kailangan ng pabor. Hindi ko rin kailangan mapatunayan kung gaano ako kalakas. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob buhat ng mga nalaman ko kanina.

"Boss! Nandito si Vern Sayson!" sigaw niya na nakatawag ng pansin ng iba. Sumenyas si Boss Dice kaya lumapit ako sa kaniya.

Naagaw ko ang atensyon ng iba doon. Inilibot ko ang mga mata at napansing may mangilan-ngilang bagong mukha.

"Long time no see Boss," kinuha ko ang inabot niyang shot glass at ininom 'yon.

"Ang tagal mong hindi dumalaw ah? Mukhang kailangan mong bumawi sa'kin," diretso siyang nakatingin sa akin. Hindi pa man niya sinasabi ay nakuha ko na ang gusto niyang iparating.

Hinubad ko ang sapatos maging ang t-shirt na suot ko. Hinanda ko ang sarili at pumwesto sa gitna kasama ng ibang miyembro ng Tetra.

Wala na sa isip ko kung mabangasan man ako ngayon kahit na may kontrata pa ko sa pagiging modelo. Kaya ko naman sigurong lusutan ang mga 'yon.

Lahat kami ay nakatuon ang paningin kay Boss Dice, hinihintay ang senyales niya bago magsimula.

Hanggang sa itaas niya ang kaniyang kamay...

Inuna ko na ang lalaking sumugod sa akin. Sinalo ng palad ko ang kamao niya at ginamit ang pwersa para ibagsak siya. Kasunod noon ay halos wala na akong makitang iba kundi ang mga patuloy na pagsugod sa akin.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon