Kabanata 31: KAMPI

359 35 9
                                    

Magandang umaga! Masaya si author today sana kayo rin.

***

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Walang pinagbago ang bahay niya mula noong pumunta ako dito. Sinundan ko lang siya at tumigil lang ako nang mapahinto siya sa tapat ng elevator. Bakit may elevator dito eh 2-storey house lang naman 'to? Ang tamad naman nitong sisiw na 'to.

"May hagdan ka naman, bakit may elevator ka pa?" ni hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin. "Krazy Buot," bulong ko habang umiiling.

Nang sumara ang elevator ay naramdaman ko na lang na sa baba 'yon papunta. Ramdam ko ang panlalaki ng mata habang nililingon ang katabi ko.

"U-underground?" nakatingin ako sa screen ng elevator at nakita kong dinala kami noon sa--- level 3?!

"What the hell? May tinatago ka bang gold dito sa ilalim ng bahay mo? Bakit 3 levels? Shit gaano kalalim 'to? May oxygen pa ba dito?" sunod-sunod kong tanong pero hindi siya kumikibo.

Pagbukas ng elevator ay namangha ako sa nakita.

"Woooow! You have your own bar? Don't tell me marunong ka mag mix ng drinks?"

"Hindi ako, siya." Tinignan ko kung saan siya nakatingin.

"Hi Vern!" nagmula ang tinig na iyon sa ilalim ng table.

"Miss Maris?" sinilip ko pa siya doon.

"Do you want to try it?" pinakita niya sa akin ang nakapatong na cocktail sa table.

"May I?" nahihiya ko pang tanong pero tumango siya ng nakangiti. Kukunin ko na yun noong iaabot niya pero hinablot iyon ni Riva at dire-diretsong nilagok.

"Okay," sumipol pa si Miss Maris bago tumingin sa akin. "Ganiyan talaga siya," bulong niya habang nakatingin sa papalayong si Riva.

"Bakit po pala kayo nandito?"

"Bakit nasaan ba dapat ako?"

"E-eh..."

"Sundan mo na 'yung bruha. Bring this with you," nag-alangan pa ako kung kukunin ko yung bote ng whiskey na hawak niya.

"Thank you Miss Maris," kinuha ko na lang 'yon.

Naglalakad ako ngunit pagliko ni Riva ay hindi ko na siya makita. May nakita kong pintuan sa dulo ng hallway kaya dumiretso ako doon. Pagpasok ay hindi ko inaasahang shooting range ang kwartong iyon.

 Pagpasok ay hindi ko inaasahang shooting range ang kwartong iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon