Kabanata 8: HULI

703 58 17
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Wala siya sa shooting club, you should join there." Hindi ko naman nilingon si Jin at nag-focus lang nakatingin kay Meg.

"With this situation?" tanong ni Meg habang inaayos ang arm sling sa braso ko. Taas-kilay niya akong pinagmasdan.

Ang tinutukoy ni Meg ay ang sitwasyon ko ngayon. Mula sa nangyari kanina sa classroom kung saan napatid sa akin 'yung isang Raptor, nakaramdam ako ng sakit mula sa braso hanggang balikat ko. Hindi ito ang unang beses kaya alam kong iba na ang sakit na naramdaman ko kanina. Mataas ang pain tolerance ko pero hndi ko na talaga kinaya kaya naisipan kong magpadala na sa FlamMed.

"Yes. That makes her happy and besides, hindi naman serious injury 'yan," sagot ni Jin sa kaniya.

"Mr. Del Prado, this was a serious injury at hindi dapat i-ignore," seryoso ang pagkakasabi niya at tumingin diretso kay Jin.

Bukod sa kakilala, si Meg Monreal ay isa sa mga magagaling na Orthopedic surgeon sa Manila. Ang ina ni Meg na isa ring Ortho, ang una kong naging personal Ortho bago siya. Dahil kinalakihan niya na rin ako bilang pasyente ni Mrs. Monreal, nang pumanaw ito ay nag-volunteer na si Meg para bantayan ako.

"Dra. Monreal, kakasabi mo lang it 'was' a serious injury which means hindi na. So what's the problem with that?" pakikipagtalo ni Jin.

"Riva, I have high expectations when it comes with your circle. Please, be picky naman sa mga kakaibiganin mo, 'wag 'yung katulad nitong kasama mo," tila nawawalang ganang sabi nito.

"Meg don't worry," sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka talaga marunong makinig," iiling-iling na sabi niya.

"Jin, just make sure everything's fine please," pakiusap ko kay Jin. Nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa huling salitang binanggit ko. Ngunit agad namang binawi bago tumango bilang pagsang-ayon.

Hindi naman ako magpapabaya sa sarili at alam ko naman ang mga dapat at hindi dapat gawin. Gusto kong sumali sa club na iyon dahil tama si Jin, napapasaya ako ng shooting.

Matapos ang ginagawa ni Meg ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-register sa shooting club ng Roberts. May karanasan ako sa gun shooting kaya gustong-gusto kong sumali doon. Katulad ng sinabi ko noon, huling taon ko na sa Roberts kaya gusto kong maging maganda at kakaiba ang karanasan ko rito.

Tumayo na ako at akmang aalis na ng Orthopedic room pero pinigilan ako ni Meg.

"Be careful next time. Magsasabi ka agad kapag may nararamdaman kang pain or kapag hindi ka makagalaw, okay?" Wala namang pag-aalala sa tono niya ngunit ramdam ko ang kagustuhan niyang mapasunod ako. Tumango na lang ako sa kaniya at saka lumabas kasunod si Jin.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa braso kong naka-sling. Ang panget.

"HAHAHAHAHA!" bigla na lang ay narinig ko ang tawa ni Jin. Nang tignan ko siya'y natigilan at umayos ng tayo.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon