Kabanata 6: ATRAS

922 61 25
                                    

- V E R N - 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N - 

Biyernes na at matatapos na ang unang linggo ko rito sa Roberts. Naging maayos naman at walang nangyaring hindi maganda. Siguro ay dahil din iyon sa hindi namin pagkikita no'ng babaeng may pink na buhok. Sa tuwing makikita ko lang naman siya ay doon lang nagkaka-aberya. Buti na lang at hindi kami nagtatagpo.

Oo, matalino ako, pero naniniwala ako sa superstitions. 

Lumabas ako at naglakad papunta sa locker. Nadaanan ko ang classroom ng section F. Hindi glass ang wall nito kaya sa pinto mo lang makikita ang nasa loob. Sumilip ako doon at nilapat pa ang dalawang kamay ko sa glass na parte ng pinto. Hinanap ang taong gusto kong makita at napangiti ako nang makita siyang tumatawa at nakikipag-usap sa kaklase.

Mukhang maayos at masaya naman siya rito sa Roberts.

"Shit!" Nagulat ako nang paglingon ko ay nakatayo na sa gilid ko 'yung babaeng may pink na buhok. Tinitignan ako nito kung anong ginagawa ko.

Kakasabi ko lang na hindi kita nakikita, tapos magpapakita ka ngayon? Anong dala mong kamalasan ngayon? Tsk!

Diretso lang siyang nakatayo at nakatitig sa mga mata ko. Katulad ng dati, walang pa ring reaksyon, walang emosyon, walang hinga-hinga!

"Bakit ba ganiyan ka tumingin? Tsaka bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ko?" mayabang na tanong ko rito. Hindi siya sumagot pero lumapit siya ng isang hakbang patungo sa akin, kaya napaatras ako ng isang hakbang.

"H-Hey! What are you doing?!" kabadong tanong ko pero tinatago ko iyon sa pamamagitan ng pagtataas ng boses.

Hindi siya sumagot pero humakbang muli ng isa at ako naman si tangang napaatras ulit.

"ANO BA!" sigaw ko.

Ang paisa-isang hakbang ay naging tuloy-tuloy at ganoon din ang pag-atras ko. Hindi niya inialis ang paningin sa akin at kahit anong pilit kong alisin ang paningin sa kaniya'y hindi ko magawa. Para bang kapag pumikit ako ay may gagawin siyang masama. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, wala naman akong ginawa sa kaniya pero bakit ako kinakabahan nang ganito?

Sunod na lang na nangyari ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng door knob.

Bumukas ang pinto at humarang iyon sa mukha ko. Hanggang sa pagsara nito'y napagtanto kong wala na ang babaeng kaharap ko kanina.

 Hanggang sa pagsara nito'y napagtanto kong wala na ang babaeng kaharap ko kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon