Kabanata 48: AKAP

222 15 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

Nakalipas ang ilang araw at ganoon pa rin ang nangyayari. Para bang walang nangyari sa aming dalawa. Panay pa rin ang lapit ko at hindi niya naman ako iniiwasan, normal lang. Tuwing lunch ay magkakasabay pa rin kaming kumain at sa oras naman ng uwian ay naghahabol ako palagi sa parking lot para kausapin si Gabriella.

"Gabriella!" habol ko sa kaniya nang makitang naglalakad papunta sa parking space niya.

"Hindi ako sanay sa Gabriella,"sabi niya nang hindi ako nililingon.

"You should get used to it. Ayon naman talaga ang pangalan mo. Be comfortable," nakangiting sabi ko.

Gusto ko nang sanayin ang sarili ko na tinatawag siyang Gabriella dahil gusto ko pa siyang makilala bilang tunay na siya. Pakiramdam ko kasi ay kahit matagal na kaming magkakilala ay bago pa rin sa paningin ko ang lahat. Sa araw-araw na nakakasam ako siya ay may bago akong nalalaman.

"Be comfortable around you?" hindi ko masyadong narinig ang bulong niya kaya hindi ko na lang pinansin.

Huminto ako nang marating ang parking space ko. "I'll take you home," sabi ko at nakangiting pinagbuksan siya ng pinto.

"May motor ako Vern. Ingat ka sa pag-uwi." Hindi pa rin siya lumingon at nilagpasan lang ako.

Ilang beses naman na niyang tinatanggihan ang pago-offer ko pero iba sa pakiramdam ngayon. Parang hindi lang paghatid ko ang tinatanggihan niya, kundi ako na rin. Sumakay ako sa sasakyan at saka mabagal na sinundan siya habang naglalakad. Huminto kaming dalawa nang marating niya ang parking space niya.

"Sasabayan na lang kita," nakangiti kong sabi.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa paandarin ang motor. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng parking lot hanggang sa kalsada. Sa una ay nasasabayan ko siya ngunit nang makalayo ay dumami ang sasakyan sa daan. Rush hour at mas congested ngayon kaysa kahapon. Nagulat na lang ako nang biglang sumingit si Gabriella sa gilid ng mga sasakyan hanggang mawala na siya sa paningin ko. Damn it!

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang ganap hanggang sa lumipas ang sabado at lingo ay hindi ko man lang siya naihatid. Gusto kong makapag-usap kami in private pero parang hindi umaayon sa akin ang panahon.

"Sayson!" sigaw ni Sir Natividad. Magkasalubong ang kilay niya at naka-pamewang. "Do I really need to shout to call your attention?"

"S-Sorry Sir..."

"Are you still with us? Narinig mo ba kung anong tinuro ko?" napasandal na lang siya sa table.

Tinignan ko ang white board sa likod ni Sir at nakitang balancing chemical equations pala ang tinuturo niya. Lagi akong naga-advance reading noon kaya alam ko na ang mga ito.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon