Kabanata 1: SIMULA

2.8K 141 145
                                    

- R I V A -

"Are you happy anak?"  tipid ang ngiting tanong ni Romel, ama ni Gabriella.

"Yes daddy super po!" sagot ng bata sa ama.

"We are also happy because we have a beautiful and intelligent daughter. We love you so much Gabgab." Sinindihan ng ina ang kandila sa ibabaw ng cake.

"Thank you mommy and daddy you're the best!" pumapalakpak pang sabi nito.

"Blow your candles na anak."

Hindi pa man nahihipan ang kandila'y napalingon ang lahat sa iisang direksyon. Kabadong nagtinginan ang mga matatanda dahil pamilyar ang tunog na iyon sa kanila. Walang kamuwang-muwang si Gabriella, hindi na binigyang-pansin dahil normal na lang sa kaniya ang ingay na gawa ng baril.

"Mommy that sounds familiar," inosenteng sabi ni Gabriella.

"Oh my God! Ate Tess! Ate Tess, kunin mo si Gab!"

"Ate Tess, what's happening?" kunot-noong tanong nito sa kasambahay.

"Come with me Miss Gab! Hindi po tayo safe dito!" Agad siyang kinarga nito at inilayo sa mga magulang.

"No! Mommy! Daddy!"

Napatayo ako mula sa pagkakahiga. Tagaktak ang pawis at sobrang lakas ng tibok ng puso dulot ng hindi magandang panaginip. 

Dalawang oras din akong nakatulog mula noong paguwi ko galing sa eskuwelahan buti na lamang at hindi nagtuloy tuloy ang tulog ko dahil may lakad pa ako ngayong gabi.

Kinalma ko ang sarili ko at naghilamos sa banyo. Mula noon ay madalas kung dalawin ako ng masasamang panaginip. Hindi ko masisi ang sarili kung bakit hindi makalimot sa nakaraan, lalo na ngayong araw na ito. Lumabas ako at nagtirik ng labingwalong kandila sa tapat ng pinto ng tinutuluyan kong apartment.

Ngayon ang ika-sampung anibersaryo nang pagkawala ng aking mga magulang kasama ng labing anim naming tauhan. Saglit akong nag-alay ng dasal habang nakatingin sa mga kandila. Hindi ko inaasahang makakayanan kong lampasan ang sampung taon matapos mangyari ang mga bagay na iyon.

Nakita ko ang pamilyar na numero na nasa screen ng cellphone ko. Labag man sa loob ay sinagot ko iyon dahil alam kong may maghihintay sa pagdating ko.

"Magandang gabi po Miss Riva, pinatatanong po ni Sir Jin kung pupunta po---"

"Hindi ako makakapunta," sabi ko at walang anu-ano'y pinutol ang linya.

Nag-ayos ako at dinampot ang mga pinamili ko noong isang araw. Nakalagay ito sa dalawang box at itinali ko ito sa likod ng aking motor. Napangiti ako nang maisip na, matatapos ang araw na ito nang may kabuluhan. Nawa'y madami akong mapasaya sa araw na ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive nang may biglang kumanang kotse sa harapan ko. Nakapag-preno ako pero hindi iyon sapat para hindi dumapo ang motor ko sa pulang sasakyan.

Alas sais palang at hindi pa gaanong madilim, pero bakit nagkalat ang tanga sa daan?

(Riva Buot portrayed by Riva Quenery)

Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagdaloy ng inis paakyat sa ulo ko ngunit pinilit kong kumalma. Hindi ito ang tamang oras para uminit ang ulo. Bumaba ako ng motor at nakitang basag ang fairing sa bandang unahan ng motor ko kung saan bumangga ang kotse. Hindi naman ganon kalakas ang pagbangga dahil nakapagpreno kami parehas.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon