Kabanata 7: TISOD

874 57 12
                                    

- V E R N - 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N - 

"VERN!"

"Vern has arrived!"

"Dito tayo mas malapit bilis!"

Paglabas ko ng van ay kumaway agad ako habang nakangiti. Naghihintay na ang mga taga-hanga ko sa labas ng building. Ayoko namang masayang ang punta nila nang hindi ako nakikita. Inalis ko ang shades ko para mas makita nila ang hindi naman masiyadong perfect na mukha ko.

Perfect lang, hindi perfect na perfect. 

"Vern Sayson! Vern Sayson! Vern Sayson!" sabay-sabay na cheer ng isang grupo ng babaeng naroon. Natuwa naman ako dahil may hawak pa silang banner at kung anu-ano kaya hindi ako nagdalawang-isip maglakad papunta sa kanila.

"Vern, where are you going?" pigil sa'kin ni Matt.

"Give me a minute, Matt."

Wala siyang nagawa kung hindi hayaan ako. Kung nasaan ako'y nakasunod ang mga bodyguard kaya nang lumapit ako sa grupo ng kababaihan ay agad nila itong hinarangan. Ang laki ng mga katawan nito kaya nasisiguro kong nahaharangan ang kaguwapuhan ko.

"It's okay," sabi ko sa mga ito at kusa naman silang nagbigay ng daan.

Sa likod ng grupo ay napansin ko ang isang babaeng naka-uniform ng Roberts. Naiipit na siya ngunit nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin. 

"Sammie!" tawag ko.

Natigilan at nilingon ng mga babae si Sammie. Nahihiyang napayuko siya ngunit kinuha ko ang kamay niya. Hinila ko siya papalapit sa akin at saka inayos ang buhok nito.

"V-vern..."

"Bakit nandito ka pa? May pasok ka ngayon ha?" tanong ko.

"N-napadaan lang po ako since l-lunch time na rin naman po." Napayuko siya at napakamot sa batok.

Napatingin ako sa relo ko. 12:30 pa lang at lunch time pa lang sa Roberts.

"Raptors na kasi si Vern diba? Malay mo magkaklase sila."

"Close masyado eh. Baka mag-jowa na?"

Natawa na lang kaming dalawa ni Sammie nang marinig ang bulungan.

"Okay, later 'wag kang mag-aabsent ha?" sabi ko at tumango naman siya.

"B-By the way, s-sila po kasi..." turo niya sa mga babaeng nakapaligid sa amin, "k-kanina ka pa po nila hinihintay simula 7AM."

"Really?" humarap ako sa mga babae at nginitian sila. "Hello! Kanina pa kayo rito? Nakooo! Ayoko ng mga umaabsent ha!" sabi ko. Animong pinagagalitan sila ngunit nginitian ko rin at hinawakan isa-isa sa ulo.

"Hala kuya Verrrn!"

"Gusto ka lang po naming makita!"

"Malapit lang po kasi school namin dito."

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon