ACE OF SPADES

301 17 8
                                    

- K H A L I D A -

"Magandang hapon po!" nakangiting bati ko nang makapasok sa conference room.

Nandito ako ngayon sa building ng Sentro na mas kilala sa tawag na The Axle. Pinatawag ako ng isa sa mga Supremo para sa isa na naman misyon. Walang katapusang misyon! Nakakapagod na!

Ang aga nila ako pinatawag ngunit bakit wala pang tao dito?!

Nilingon ko ang babaeng binati ko kanina. Nakasandal lang siya sa upuan at nagbabasa ng libro habang may nakasaksak na earphones sa tenga. Naka-uniform pa siya wow! Napaka-bata niya a para maging member ng organisasyon! Dahil sa kyuryosidad ay tinabihan ko siya.

"Beh! Member ka ng ACES?" nakangiting tinanggal ko ang isa sa earphones niya. "Student ka pa lang ah? Ang galing mo naman! Anong course mo? Paano ka na-discover ng Supremo?" hindi siya sumagot at tinignan lang ako ng walang emosyon.

"Kanina ka pa nandito? Ikaw pa lang nandito?"

Dahan-dahan ay nilibot niya ang mata sa buong room at binalik ang tingin sa akin.

"Hehe oo nga tayo lang dalawa," sabi ko at binalik sa kaniya ang earphone. "Ako nga pala si Khalida Luna, Idang for short! Under ako ni Supremo Gustavo, ikaw? Sinong boss mo? Tinawagan ka rin ba ni Amalthea?" sunod-sunod na tanong ko pero hindi siya nagsalita.

Parang may kausap akong hangin bwiset! I kennat mamsh!

"Kilala mo ba kung sinong Supremo ang nagpatawag satin?"

Naka-ilang tanong na ako sa kaniya pero hindi talaga siya sumasagot. Hanggang sa bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang babaeng naka-hoody. Nakapamulsa ito at naka-face mask pa. Balot na balot naman itong isang 'to!

"Hi beh!" tumayo ako. Siya naman ang guguluhin ko HAHAHA!

"Good afternoon po," sabi niya at saka yumuko pa bilang paggalang. I like her na!

"ACES ka beh?" pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Opo. Tinawagan lang po ako ni Amalthea," sagot niya.

"Anong pangalan mo? Saan ka nag-aaral?"

"Ako po si Cassini... Cassy na lang po. N-Nagtatrabaho na po ako," nahihiyang sagot niya.

"Nye! Akala ko kasing edad mo lang siya," tinuro ko yung babaeng naka-uniform.

"Ha?" napalingon siya doon.

"Hatdog!"

"Ehem..." ayon na naman at bumukas ang pinto.

Pumasok ang isang napakagandang babae! Hoy sana all! Napaka-elegante ng suot niyang itim na blazer dress at napakalaking itim na sumbrero. Mataas ang takong nito ngunit parang hindi nahihirapan sa paglalakad. Umupo siya sa upuang katapat ko.

Siya na kaya ang S-Supremo?

"M-Magandang hapon po!" tumayo ako at saka sumaludo sa kaniya.

Sinipa ko nang mahina ang upuan ng katabi ko at saka inutusan siyang gayahin ako. Tumayo siya at sinilip ang mga kamay kong nakalagay sa kaliwang dibdib. Seriously?! Hindi siya marunong sumaludo? I kennat!

Kinuha ko ang kamay niya at ibinaba ang tatlong daliri, "Peace sign pero pagdikitin mo yung dalawang daliri mo. Marunong ka mag-sign language?"

"O-Opo. Letter 'U' po ba?" napakamot siya sa ulo.

"Yazzz! Bilang ka ng dalawa. Sa unang bilang ay letter 'U' at sa ikalawang bilang naman ay letter 'N' parang ganito. 1...2..." Saka ko ipinakita sa kaniya ang tamang pag-saludo.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon