Kabanta 22: UNO NEGATIBO

545 41 29
                                    

- A L L E N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- A L L E N -

[FLASHBACK]

"Ang tagal naman pong umuwi ni daddy," reklamo ko dahil gusto ko nang galawin ang pagkain na nakahain sa lamesa. Nakakatawang daddy ang tawag ko sa ama kahit na hindi ganoon kaganda ang estado ng buhay namin.

Napalingon kami nila mama at ng pitong taong bunso kong kapatid nang may kumatok sa pinto. Agad akong tumayo para buksan iyon at ganoon na lang ang pagtataka nang masilayan ang asul at pulang ilaw na nanggagaling sa isang sasakyan sa labas.

"Sir? Dito ho ba nakatira si Victor Sayson?" hindi pa man ako sumasagot ay hirap na ginalaw ni mama ang wheelchair at nilabas ang pulis. Sinara pa niya ang pinto ngunit nanatili kami ng kapatid ko sa likod nito at animong pinakikinggan ang anumang pag-usapan nila.

"Ako ho si Almira Sayson a-asawa ni Victor..."

"Misis, 'wag ho sana kayong mabibigla. Narito po kaming mga pulisya upang iparating sa inyo na natamaan po ng ligaw na bala ang biktimang nagngangalang Victor Sayson. Ito ho ang I.D. niya," nagkatinginan kami ni Vern at parehas hindi maintindihan ang mga sinasabi ng pulis.

"A-ano hong nangyari sa a-asawa ko?" mahina ngunit rinig ko ang tinig ni mama.

"Anong nangyari daw po?" tanong ng kapatid ko na akala mo ay maiintindihan niya kung ipapaliwanag ko ang nangyayari. Sinenyasan ko siya na 'wag mag-ingay at saka siya tumango.

"Ikinalulungkot ko hong ibalita na dead on arrival po ang mister niyo---"

Sa pagkakataong iyon ay binuksan ko ang pinto at hinablot ang I.D. na hawak ni mama. Nakabalot iyon sa isang plastik ngunit mas lamang ang pulang likidong bumabalot doon. Nangunot ang noo ko nang makita ang larawan at mabasa ang pangalan ni daddy doon.

"Hoy pulis anong nangyari sa daddy ko?!" nilakasan ko ang loob. Sumunod na lamang na nangyari humagulgol ng iyak ang aking ina.

Hindi ko lubos maintindihan ang nangyayari. Hindi nagpoproseso sa utak ko ang mga narinig ngunit katulad ni mama ay bumuhos ang aking emosyon. Patuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko habang yakap ang inang nagpupumilit kumawala sa mga bisig ko. Para sa ibang tao, normal na sigaw at iyak lamang ang narinig nila ngunit para sa akin ay iba.

Bawat patak ng luha'y may kalakip na sakit, bawat sigaw ay may halong hinagpis.

T-totoo ba ang mga narinig ko? W-wala na si daddy?

"Kuya?" natauhan ako nang marinig ko ang munting tinig ng kapatid ko. Inangat ko ang paningin at pinunasan ang mga luha niyang patuloy din sa pagpatak. Para bang nararamdaman niya ang pighating nararamdaman namin ni mama, kahit sa totoo'y hindi niya lubos na alam kung anong nangyayari sa paligid. Sa mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng awa sa pamilya namin.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon