Kabanata 16: KASUNDUAN

681 52 26
                                    

Hoy mga bobo check out Gone Bad's new cover hihi what do you think?
Follow niyo rin ako sa instagram @bbcallisto, nagu-upload ako ng videos ang pictures doon. Bye.

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

Katulad ng karaniwan kong ginagawa ay dahan-dahan kong itinaas ang itim na stockings na abot hanggang beywang. Ikinabit ko sa kaliwang binti ang holster na siyang lagayan ko ng Glock 26, simple ngunit isa sa mga pinagkakatiwalaan kong baril. Sinuot ko ang itim na blazer dress na hanggang taas ng tuhod ang haba at gayon na rin ang parehas na kulay ng manipis na telang nagsisilbing panakip sa kalahati ng aking mukha.

Ingat na ingat ko namang inilagay ang gintong palamuti sa aking ulo na may maliliit na perlas na bahagyang humarang aking mga mata, at ang pinaka-importante sa lahat ay ang pagsusuot ng gintong gloves. Sa ganoong paraan ay hindi magkaroon ng pagkakakilalan ang sinumang makakasalamuha ko sa trabaho at espesyal ang gloves na 'to dahil 'to ang paborito ko sa lahat.

 Sa ganoong paraan ay hindi magkaroon ng pagkakakilalan ang sinumang makakasalamuha ko sa trabaho at espesyal ang gloves na 'to dahil 'to ang paborito ko sa lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ng sarili sa kaharap kong salamin bago lumabas ng silid.

"Miss Gab," bumungad si Mariestella at Jin sa akin paglabas ko ng pinto "this way." Bahagyang yumuko at inilahad ang mga kamay upang gabayan ako papalabas ng tinutuluyan naming unit. Napaka-pormal ng mga gago, parang mga sira.

"Usual set-up."

"Ha?"

"Usual set-up," dinapuan ko ng tingin si Jin sa pagkakataong iyon. Wala siyang nagawa kaya nag-iwas na lang ng tingin at saka pinindot ang earpiece nito.

"C.A. with C.B, C.C. with C.D, and we'll be joining C.E.," tuloy-tuloy na sabi nito ngunit hindi ko na siya pinansin at pinaandar na ang gamit kong sasakyan. Ang binanggit kong usual set-up ay ako lang dapat mag-isa sa loob sasakyan dahil madalas ayoko ng kasama.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon