Kabanata 36: DEHADO

216 21 3
                                    

- V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- V E R N -

"Good luck," pahabol ni Cassy bago isara ang pinto ng van.

Hinarap ko ang salamin ng isang abandonadong convenience store at pinagmamasdan ang sariling repleksyon doon. Sinuri ko isa-isa ang suot ko mula sa black mask, bulletproof armor, at ang itim na jumpsuit na karaniwang suot namin sa tuwing may trabaho at mission sa Tetra. Ngayon ko lang ulit ito nasuot dahil simula nang magstart ang klase ay hindi pa nasusundan ang last mission namin na halos tatlong buwan na rin ang nakalipas.

Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Vern Sayson stay focused...

Hindi kasi ako makapaniwalang sa gabing ito na magaganap ang matagal nang plano. Nakakagaan sa pakiramdam na may nakakaintindi ng sitwasyon namin at may handang sumuporta. Hindi kami nagkamaling sumali sa Tetra. Kahit wala physically si Boss Dice, alam kong nasa likod namin siya at ang buong grupo.

"Are you ready?" rinig kong sabi ni kuya mula sa earpiece na suot ko. "Five other men including Zethro are settled in their assigned position. Ikaw na lang ang hinihintay," dagdag niya.

"On my way..." nang sabihin ko iyon ay maingat akong nagtungo sa building na pagmamay-ari ng isa sa mga member ng Tetra. Ito ang katapat na building kung saan ang venue ng press con.

Bago ako pumasok sa fire exit ay tinanguan pa ako ni Zethro. Nagsimula akong umakyat sa hagdan at kada hakbang na ginagawa ko'y padagdag ng padagdag ang kaba. I should be confident.

Kasama sa mission ngayong gabi si Kuya at dalawa pang spotter, si Zethro at isa pang look out, Cassy na siyang nasa control van at isa sa mga assigned Chief na si Miss Scarlet.

"Sayson breathe..." napatigil ako sa paghakbang nang may mahinhin at mahinahong tinig akong narinig mula sa kabilang linya. "'Wag masyadong kabahan, safe ka sa building na kinatatayuan mo."

"Y-yes Chief," sagot ko.

"Move gentleman, move..." kahit malambing ang pagkakasabi'y naramdaman ko ang authority doon. Agad akong sumunod at nang marating ko ang 14th floor ay pumasok na ako sa isang bakanteng room. Sinadya itong ibakante para lang sa mission.

Sobrang dilim... I blinked a few times to adjust my vision. Nilibot ko ang mga mata hanggang sa makita ang kaunting liwanag na nagmumula sa katapat na building.

"Babagal-bagal..." rinig kong bulong ni Chief. "I can see you Sayson. Get on your position now."

Pumwesto ako sa madilim na sulok katapat ng balcony. Nang maayos ko ang sarili ay inilibot ko ang mga mata at nakita sa kabilang building ang isang babaeng nakaupo sa tapat ng bintana. Naka-hot pink dress ito at umiinom ng margarita habang may katapat na isang lalaking naka-black suit at may hawak na laptop.

"What are you looking at?" nanlaki ang mga mata ko nang sabay ng pagbuka ng bibig nito ay pagsasalita ni Chief mula sa earpiece. She is definitely the Chief...

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon