Kabanata 29: BISIG

667 49 19
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Callisto, where is Roman Hulleza?"

"Roman Hulleza is currently at Dapit-hapon village," lumabas sa monitor ng sasakyan ang map.

Walang segundo sa mga panahong ito ang dapat na sayangin. Napakadali sa kaniyang pumatay ng inosenteng tao. Hindi ko inaasahang ganito kabilis siya aaksyon, wala talaga siyang puso! Ilang diablo ba ang nasa loob ng katawan niya?

Pinilit kong kalmahan lang ang kilos. Nang makarating sa tapat ng bahay niya ay chineck ko pa ang dalawang baril na dala ko kung sapat ba ang bala niyon. Kinuha ko rin ang silencer at kinabit ko doon.

"Callisto, can you find another way in?"

"I found 2 gates and 2 fire exits," tangu-tango pa akong nakatingin sa monitor. Pinaandar ko ulit ang sasakyan at nagtungo sa likod na parte ng bahay ni Roman. Dadaan ako sa isa sa mga fire exit dahil siguradong sa front gate ay may detector, may dala pa naman akong baril.

Hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan ay biglang tumawag si Jin.

"H-hey... Where are you?" hindi ako nagsalita at abala pa rin sa pagsisipat ng baril.

"Riva 'wag kang gagawa ng bagay na hindi mo pinag-isipang mabuti," sabi niya ulit pero nanahimik lang ako.

Pinasok ko ang dalawang baril sa suit ko at lumabas ng sasakyan.

"Anong oras ang flight?"

"6:00 pm sana nandito ka na," sinilip ko ang relo at nakitang 5:40 na.

"I'll be there at 6 pm sharp," tugon ko at naglakad papunta sa pinto.

"T-take care..." siya na mismo ang nagbaba ng linya. Mukhang alam naman na niya kung nasaan ako at ano ang plano ko.

Siguradong bulletproof ang pinto kaya hindi ko magagamit ang baril sa pagbukas. Kailangan kong humanap ng ibang paraan. Lumingon ako sa paligid at nakitang mail box sa gilid. Tumuntong ako doon at saka tinalon ang pader.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makita ako ng isa sa tauhan ni Roman. Bago pa man niya ako malapitan ay binaril ko na siya sa dibdib. Ramdam ko naman ang mga yabag sa likod ko, dawala sa 6 o'clock at isa sa 8 o'clock. Hinugot ko ang isa pang baril at nang humarap ay pinaputukan sila.

Tumingala ako at binaril rin ang CCTV na nakita ko. Matapos noon ay wala nang sumunod sa akin. Pinasok kong muli ang dalawang baril sa loob ng suit ko at saka nagtungo sa isang pinto.

Ingat akong pumasok at pagbukas ko noon ay bumungad sa akin ang dirty kitchen.

"Miss? How did you get in here? Nandoon po ang mga bisita sa dining area," sabi ng isang sa tingin ko ay head chef.

Bisita? Nilibot ko ang mata at nakitang abala ang mga nandoon sa pagluluto. Mukhang may pagsasalo at nakuha pa ni Roman magpa-party, huh?

"I was about to go there," lumingon pa ako sa paligid at umaktong parang naliligaw.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon