Nangangalahati na po tayo mga bobo at parang may malapit nang may mamatay chos HAHAHAHAHAHAHAHA
***
- V E R N -
"And... cut!" sabi ng director at ang mga staff ay nagpalakpakan dahil tapos na ang last take. Nags-shoot kami ngayon ng commercial at hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Nakangiti kong nilapitan ang director at kinamayan ito.
"Thank you sir!" matapos ay humarap ako sa iba pang staffs behind the camera, "Thank you po."
"You're getting better ha! Pwede ka ng kunin sa isang movie or series, kaunting sipa pa," sabi ni direk.
"Ganito po ba?" sumipa ako at nagtawanan naman sila. Nakakapagod ang araw na ito pero sobrang sarap sa pakiramdam makita ang mga ngiti nila nang matapos ang shoot. Nakakatuwa.
"Pizza for everyone!" sumulpot si Matt kasunod ang dalawang deliveryman na may dalang mga pagkain. Napapalakpak ang mga staff sa tuwa at nagpasalamat pa sa akin.
"Thank you Sir Vern!"
"Ay 'wag kayo sa'kin magpasalamat, sa manager ko dapat bawas yan sa cut niya," nanlaki ang mga mata ni Matt sa biro kong iyon.
"Hoy ang kuripot mo Vern Sayson!"
"HAHAHAHAHA!" nagtawanan ang lahat.
Ilang saglit pa ay lumabas galing sa tent si ate Mai at inabot sa akin ang phone ko.
"Vern, si Sir Allen tumatawag," kinuha ko sa kaniya ang phone at sinagot agad iyon.
"Bro--" hindi pa ako nagsisimula ay nagsalita na siya.
"Nasaan ka? Puntahan mo si Riva sa hospital na malapit sa kanila," casual na sabi niya.
"H-ha? Hospital?" nangunot ang noo ko. Ano namang gagawin ko doon? At bakit nasa hospital si Riva?
"Sundin mo na lang ang sinasabi ko 'wag ka nang magta---"
"Kuya anong ginawa mo?" pigil ang inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Gone Bad: The Hunting of Shadows (LUNS #1)
ActionLa Uno Negatibo Series #1 Ang tahimik na buhay ni Riva ay nagbago simula nang akusahan siya ni Isabelle bilang isang mamamatay-tao. Lingid sa kaalaman ng ibang tao ang tunay niyang trabaho, maging ang pinagdadaanan kung kaya't ganoon na lamang ang p...