Kabanata 33: IMBITASYON

283 24 4
                                    

-  V E R N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-  V E R N -

Bago ako pumunta kay kuya ay sinigurado kong may maipapakita ako sa kaniyang kapani-paniwala. Narito ako sa computer shop na pinuntahan ko noon.

"18," sabi ko at nilingon naman ako ni Cassy. Pinagmasdan ko pa ang itsura nito at napansing wala na siyang gaanong galos dulot ng Zoning.

Hindi na siya nagsalita at tumango lang. Agad akong nagtungo doon at inopen ang new folder. Bumungad sa akin ang ilang pdf file na nakapangalan kay daddy at sa tunay na pangalan ni Riva.

Napangisi ako. Sinabihan kasi ako ni Cassy na nahirapan siya sa paghahanap ng mga 'to, ngunit ito at nasa kamay ko na. Ilan lang 'to sa mga hospital records na kailangan ko. Ipinrint ko na rin ang death certificate at yung police report noon kay daddy.

"Salamat," sabi ko at tumalikod na.

"V-vern," mahina ngunit narinig ko ang pagtawag niya sakin. "Ayokong madamay---"

"Wag kang mag-alala dahil hindi ka madadamay. Hindi naman ako mahuhuli in the first place," nakangiting sabi ko.

"Wag kang makampante dahil hindi ka sigurado kung kilala mo na 'yang kinakalaban mo."

"Matagal ko na silang kilala."

"Sigurado ka?" kalmado ngunit nagbigay iyon ng kung anong kaba sa akin.

Hindi ko alam kung anong ikinakatakot niya, eh miyembro naman siya ng Tetra. Siguradong poprotektahan kami ng organisasyon kung sakaling mag-fail ang mga plano.

Natinag lang kaming dalawa nang mag-ring ang phone niya. Dali-dali niya iyong sinagot kaya lumabas na rin ako.

"Vern? Come in," si Krissha ang nagbukas ng pinto nang makarating ako sa bahay.

"Where's kuya?" kunot-noong tanong ko.

"What's with that... that face?" tinuro niya ang mukha ko.

"Nothing," halos ibalibag ko ang sarili nang maupo sa couch.

"Change of plans?" ganoon kabilis niyang nahalata ang kilos ko.

Pumikit ako saglit at binalik rin ang tingin sa kaniya. Parang nangangayayat yata si Krissha? Sabagay ay sobrang hirap maging secretary, mas busy ka pa kaysa sa boss mo.

Sasagot na sana ako nang biglang lumabas mula sa kwarto si kuya, "What change of plans?" Umupo siya sa harap ko at pinatong pa ang paa sa table.

"What? Ano yang hawak mo?"

Nilapag ko sa table ang folder at inislide iyon papunta sa knaiya.

Tinitigan niya pa ako saglit bago niya iyon dinampot. Agad nag-init ang mga mata niya nang mabasa kung anu-ano ang mga papel na nandoon.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon