Kabanata 19: AMALTHEA

562 43 38
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"Ako," hindi na ko nag-abalang lumingon dahil pamilyar na ang boses nito sa akin.

"Vern?" nagtatakang tanong ni Gab at McNeal. Siya ang date ni Sammie?

"Oh bakit nandito pa kayo?" tanong ni Vern sa ibang estudyante at nang makaramdam ay nagsi-alisan rin. Mukhang wala sa mood ang isang 'to.

"Alis muna kami," hinatak ako ni McNeal palayo sa kanila at hinayaan sila magusap-usap.

"Ganda ng friend natin ha!"

Hanggang sa matapos ang huling subject ay hindi na kami nagkibuan sa klase. Hindi ko ugaling magtanong at itong katabi ko ay mukhang nagpipigil din. Siguradong kapag nagkuwento si Sammie ay hindi na titigil katatanong 'tong si Brezuela.

Nang makarating kami sa parking lot ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Katulad ng dating gawi ay pinauna ko muna silang makaalis bago ako. Paalis na sana ako nang may bumusina mula sa kanan ko at nakita kong sasakyan iyon ni Jin.

Nilabas nito ang kamay at sumenyas na sumunod ako sa kaniya. Ang kapal ng mukha nito. Imbes na sundan ko siya ay inunahan ko ang kotse niya at tinahak ang daan papuntang apartment.

"Hindi mo ako mauutusan Del Prado," bungad ko nang makarating kami sa apartment at natawa na lang siya.

"Hoy! Why are you here?" hindi pa nga nakakapasok ng tuluyan ay umatungal agad 'tong si Mariestella.

"Hoy ka din! Wait, may naiwan ako sa kotse," napakamot pa ng ulo bago siya nagmadali pabalik sa kotse.

"Riva, magkikita kami later," nakangisi at nangaasar pa si Mariestella.

Hindi ko alam kung nangaasar siya dahil masaya siyang may kikitain siyang lalaki o may gagawin na namang kalokohan. Medyo may pagka-pilya kasi 'yan pagdating sa lalaki ewan ko ba.

"Ingat," walang ganang sabi ko.

"Wow napaka-meaningful ha."

"Anong dapat kong sabihin?"

"HAHAHAHA pasalamat ka may kaibigan kang maganda at matalino," napailing na lang ako sa naguumapaw na kompiyansa nito.

Napalingon kami sa pinto nang pumasok si Jin dala-dala ang hindi ko mabilang kung ilang hanger iyon na may cover pa. Kung sino pa ang lalaki ay siya pa ang nag-abala mamili ng damit na susuotin ko sa ball.

"Here, try these."

"Ang dami naman niyan?" tanong ko habang isinasabit niya ang mga iyon sa alambreng sabitan ng kurtina.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon