Kabanata 12: SIGAW

628 46 14
                                    

- R I V A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- R I V A -

"You didn't answer my calls," galit na sabi ni Jin. Napatingin naman samin si Mariestella.

"Get straight to the point. Ayoko ng pinangangaralan ako Jindric," sagot ko. Hindi ko nasagot ang tawag niya dahil nga may meeting kami sa club kanina at sinurrender namin ang phone kay Coach. Ito ang sinasabi kong baka mahuli ako sa mga importanteng balita.

Umupo ng maayos si Jin at tinignan ako sa mata. Mukhang alam ko na ang sasabihin nito, bumalik na siya?

"Roman is back and at this point you really have to step in!" Nagpipigil ng inis na sabi nito. Alam kong matagal na nila akong hinihintay. Sapat na ang nalalaman at kakayahan ko pero gusto ko munang maka-graduate ng high school bago ko gawin ang sinasabi nila.

4th year na ako ngayon at gusto kong sulitin ang isang taon na natitira sakin. Dahil alam kong mag-iiba na ang takbo ng buhay ko sa sandaling mangyari ang mga nakatakda.

"I just turned 16 Jin," sagot ko sa kaniya.

"Wala yan sa edad Riva. Kilala kita, kilala ka namin at alam naming kaya mo na. Kailangan mo ng lumabas sa lungga mo at harapin si Roman! I already talked to Attorney Cabrera about this so you don't have to worry about everything. Just do it."

Hindi naman ako natatakot kay Roman dahil kahit anong gawin niya, hinding hindi siya magtatagumpay. Ang gusto ko lang naman sa ngayon, ay maging masaya at palayain ang sarili ko mula sa lungkot. Sampung taon na ang lumipas mula nang mawala ang pamilya ko, at ngayon palang ako unti-unting nakakabangon sa tulong narin ni Jin, Mariestella, at ng mga kaibigan ko sa Roberts.

"Kumalma ka nga Jin. Hindi ako takot kay Roman kaya ko siyang harapin kahit hindi ako umakyat sa puwesto. Hindi natin kailangan madaliin ang lahat." Alam naman ni Jin ang gusto ko, pero heto siya't minamadali ako ngayon.

Ganoon na ba kaimportante sa kanila ang reputasyon? Yaman? Posisyon?

"Ano bang gusto mo? Maka-graduate muna ng high school bago ka magpakita? Kaya nga nandito ako Riva diba? Nandito kami at hindi ka namin pababayaan."

Tumahimik lang ako at sinubukang hindi mag-padala sa mga sinasabi niya.

"Riva look... We need you. If you don't want to step in, just think of the reasons bakit ka nandito ngayon? Bakit ka nag-sanay? Bakit ka naghanda para lumaban? Diba para naman 'to sa pamilya mo?"

Napatingin ako kay Jin at nakita ko namang ang mga nangungusap niyang mata. Kilala niya talaga ako at alam niya kung anong nararamdaman ko.

Sa loob ng sampung taon sinanay ang isip ko, lahat ng kailangan ay ginawa ko, at lahat ng dapat malaman ay pinag-aralan ko para lang maging karapat-dapat sa posisyon. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at yun ay ang pamilya ko.

Gone Bad: The Hunting of Shadows  (LUNS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon