Special Chapter 2

82K 2.2K 716
                                    

Philip Yoshieke Juariz

"I don't know what to do anymore, Lucy. Pakiramdam ko lumalayo na ang loob ni Mike sakin. Halos gabi-gabi na lang kaming mag-away. Kung hindi kami nag-aaway, hindi naman kami nagpapansinan. Tapos kagabi, nagising ako na may ka-text siyang iba sa tabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Mag-usap kasi kayo ng maayos. Ang problema sa inyong dalawa, nagpapataasan kaagad kayo ng boses. Just talk calmly for once."

Tumango-tango ako. Tama si ate Lucy. Dapat pag-usapan ng maayos. Pwedeng maayos ang problema ng hindi nagsisigawan. Kami ni Ian ko hindi kami nagsisigawan 'pag nag-aaway. Kapag nagjujugjugan lang kami napapasigaw.

"Alam ko! I comfronted him. I asked him what was wrong. At alam mo ba kung ano ang sagot niya? Kasi ang boring na daw ng sex life naman. My goodness! Anong klaseng sagot 'yon, Lucy? Makikipaghiwalay siya sa akin dahil lang ayaw kong makipagtalik sa kanya? What kind of brain does he have?! Kung hindi lang dahil sa mga bata hindi ako magtitiis sa kanya."

Malakas akong napaubo nang bumara sa lalamunan ko ang iniinom kong shoklet drink.

"Jusko, Piyo, okay ka lang?" Ang nag-aaalalang tanong ni Roro sa akin. Mabilis siyang tumayo sa kanyang upuan at lumapit sa akin.

"O-Okay lang ako, Roro."

"Bakit kasi ayaw mo nalang ibigay 'yong gusto niya? Obligasyon mo rin namang pasayahin siya sa kama."

"Pero ayoko na! Akala ko masarap ang malaki pero sobrang sakit pala."

Sabay kaming napaubo ni Roro sa narinig namin. Napaubo din ang ibang mga customer dito sa cafe sa sinabi ng babae.

"U-umuwi na tayo, Piyo. Nag-text si Axel sa akin. Pauwi na raw sila ng mga bata."

Napangite ako nang marinig ang sinabi ni Roro. Ang mga baby ko! Nagsc-school na kasi silang apat kaya hindi ko na sila kasama lagi.

Nagpunta lang kami ngayon ni Roro dito sa cafe kasi may kinausap siyang client. Na-bored din kasi ako sa bahay nila dad dahil wala doon sila Tine kaya sumama na ako kay Roro dito. Umuwi sila ng Cebu last week. Next month pa daw sila babalik dito.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa dala-dala kong bag para tingnan kung may text ba si Ian para sa akin. Napanguso ako nang wala man lang kahit isang text mula sa kanya akong natanggap.

"Roro, feeling ko sira na 'tong cellphone ko."

Mula sa sarili niyang cellphone, itinuon ni Roro sa akin ang paningin niya. "Sira? Pero kakabili mo lang niyan last week ah. Gusto mo bang dumaan muna tayo ng mall?"

"Eh kasi hindi na nag-reply si Ian sa akin. Pano kung ayaw na niya sa akin? Ilang araw pa namin kaming hindi nagjujugjugan, Roro." Ang nag-aalala kong sumbong sa kanya.

"Baka busy lang. Naku, 'wag ka ngang paranoid diyan. Hindi naman siguro gan'on si Ian."

"P-Pero kasi..."

Alam ko naman sa sarili ko na hindi magagawa ni Ian ang gan'on sa akin. Palagi namang sinasabi ni Ian sa akin na lab niya ko. Siguro ganito lang ako kasi nami-miss ko na siya ng sobra-sobra. Ilang araw na rin kasi siyang hindi umuuwi. May one week business trip kasi siya sa South Korea tapos dumating siya kaninang madaling araw pero kailangan naman niyang dumiretso sa hospital kasi may board meeting daw sila. May meeting din siya kasama ng mga doctor at nurse doon.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon