Philip Yoshieke Magnao
Namamangha pa rin akong napatitig sa makapal na pera sa aking kamay. Tuwid na tuwid at sobrang tingkad ng kulay asul dito halatang bago pa itong mga pera. Nakakatakot naman 'to hawakan. Baka magasgasan. Sabi ni manang limampung libo daw ito lahat. Paunang bayad lang daw ito.
Sabi ko naman sa kanya sampung libo lang kaso itatapon niya daw ang pera kapag hindi ko tinanggap.
"M-Manang, ano, o-oki lang po ba talagang mauna kayong magbabayad? Hindi ba kayo natatakot sa akin? Baka itakbo ko po 'yong pera. Pero hindi naman po ako gan'on. Huhusayan ko ang paggawa ng pinting niyo!" Ang mahaba kong sabi sa kay manang na nakangiting nakatitig sa akin hababang umiinom sa kape niya.
Mahina siyang tumawa at umiling. Dahan-dahan at elegante niyang ibinaba ang mamahaling tasa sa platito bago siya tumingin sa akin. Gusto ko siya! Kasi mabait siya tapos maganda pa. Tapos andami niyang binigay na pera sa akin.
Pero-pareho kami ng mukha. Ibig sabihin ba n'on maganda rin ako? Hehe!
"I know you won't do that to me. May tiwala ako sa'yo, ijo. Ano nga pala ang tunay mong pangalan? Piyo lang ang alam ko." Ang tanong ni madame sa akin.
"Piyo po ang pangalan ko pero Philip Yoshieke Magnao po ang totoo kong pangalan. Ah! Saka ito po! Ginawa po namin 'to ni Tine at Roro kagabi. Kasi nakwento po kita sa kanila. Bitchness car daw tawag nito. Hehe." Inabot ko sakanya ang isang maliit na at makulay na papel. Kinuha ito ni manang at binasa. "Pwede niyo po akong tawagin sa numerong nakalagat diyan para masiguradong hindi ko po nanakawin ang pera niyo. Saka ito rin pikshur ko para sigurado po. May ebidensya po kayo sa police. Saka ito rin po potokapi ng mga bersipikit ko." Marahan kong itinulak papalapit sa kay manang ang mga papeles at pikshur ko.
Napataas ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa mga ito. Tumaas ang paningin niya sa akin at tinitigan ako saglit. Pilit akong ngumite pabalik. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko hehe. Dapat bang seryoso ang mukha ko? Pero baka sabihin niya na mataray ako at hambog. Hindi naman ako gan'on.
Nangunot ang aking noo nang bigla siyang tumawa ng malakas at naiiling na itinulak niya papalapit sa akin pabalik ang mga larawan at bersipikit ko. "I don't need your pictures. Ipakita ko lang itong mukha ko at makikilala ka na nila."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "Tama po kayo!"
Tumawa ulit siya. "You are so cute!"
"Tenkyu! You're kyut too! Same face like me." Ang natutuwa kong sabi. Sa mga nagdaang araw na nag-aaral ako kasama si titser ko mas nagiging confinement na ako sa pagsasalita ng ingles.
Mas lalo siyang natawa. "Yes, anak, we have the same face. Nakakatuwa ka. Ang swerte siguro ng mga magulang mo sa'yo."
Hindi ako makasagot sa sinabi ni manang sa akin. Napatanong rin kasi ako sa sarili ko. Naramdaman din kaya ng mama at papa ko na swerte ako sa kanila? Hindi naman siguro. Kasi kung maswerte ako, edi sana hindi kami naghihirap. Kung maswerte ako, hindi sana naging malas ang buhay nila mama. Kung swerte ako edi sana nandito pa ang mga kaibigan ko.
"Ijo, okay ka lang ba? M-May nasabi ba akong mali?" Ang nag-aalalang tanong ni manang sa akin. Mabilis naman akong umiling.
"Ay naku, hindi po! Naalala ko lang po 'yong alaga kong si puti. Ninakaw niya po kasi iyong karne na sa bahay nila Ian. Nagtanong ako sa mga kasambahay kung anong karne 'yon, sabi nila wagyu bep. Nasa merkado po kaya 'yon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/216818697-288-k502728.jpg)
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...