42

62.5K 2.5K 1.7K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

3 YEARS LATER...

Napabuga ako ng hangin habang sinusuot ang sapatos ko. Kanina pa ako bored na bored dito sa bahay. Umalis kasi sila kuya kaya wala akong makakausap dito. Tapos si mama naman busy sa pakikipag-usap kay papa na nasa U.S. ngayon.

'Yong mga paintings ko naman, kakatapos ko lang din gawin. Plano kong magpahinga muna sa pagpipinta ng isang linggo para magkaroon  ako ng oras para sa sarili at pamilya. Medyo malaki-laki kasi ang kinita ko sa mga naibenta kong mga paintings.

"Mama, aalis po muna ako. Maggro-grocery lang po ako, mama." Ang paalam ko kay mama na nasa garden kaharap ng laptop niya.

"Hm. Kiwotsukete!" Itinaas niya ang kanyang kamay at kumaway sa akin. Nandoon pa rin sa laptop ang kanyang tingin. Miss na miss na siguro ni mama si papa.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisnge. "Papa!" Kumaway ako sa screen ng laptop at ngumise.

"Where are you going, nak?"

"Maggro-grocery po at magpapahangin lang din." Ang sagot ko sa kanya. Mukhang day-off ni daddy ngayon dahil hindi nito suot-suot ang puting dress shirt na palagi niyang outfit tuwing makakausap namin siya online.

"That's good. You spent too much time on your art room, mabuti rin ang lumabas-labas paminsan-minsan just be careful on your way."

"Okay, po. Babye, papa!"

Muli akong yumakap kay mama bago ako tuluyang lumabas ng bahay namin. Bitbit ko sa isang kamay ang puting payong na ibinigay sa akin ng jowa ni kuya Hiro.

Papa at mama ang tawag ko sa kanila at hindi iyong otousan at kaasan. Iyon na kasi ang nakasanayan ko. Wala naman silang problema doon. Naiintindihan naman nila na hindi gan'on kadali ang mag-adapt sa kultura at lugar nila.

Three years have passed simula noong umalis ako sa Pilipinas. Pumunta kami dito sa Japan ng tatlo kong kuya. Hindi pa alam nila mama at papa na nagpatulong ako kina kuya na makaalis kaagad Pilipinas.

Kung paano ako nagpatulong?

Minsan kasi akong binisita ni kuya Hiro sa resto nila Roro. Isinilid niya sa uniform ko ang papel na may phone number na nakasulat. Itinago ko iyon sa pitaka. Wala naman talaga akong planong contact-in si kuya pero noong malaman ko ang gagawin ni Ian, siya ang unang pumasok sa isipan ko. Tinawagan ko siya nang magpaalam si Ian para mag-cr noong nandoon kami sa sinehan that time na nagde-date kami.

A week after na dumating ako sa Japan, doon lang nila ipinaalam kina mama at papa na nandito ako kasama nila. Hindi nila ipinaalam kaagad para maiwasan daw ang pagsu-suspetya ni Ian kina mama. Kinabukasan n'on ay lumipad sila papunta dito sa Japan.

Hindi nila alam ang tunay na nangyari sa pagitan naming dalawa ni Ian para umabot kami sa ganitong sitwasyon. Pero tinulungan pa rin ako nila mama na magtago. Lumipad kami dito sa Minamidaitou, isang isla dito sa Okinawa prefecture na may kaunting populasyon.

Leaving the people I love behind was hard. Iyon na yata ang pinakamasakit at pinakamahirap na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Umalis ako sa bansang 'yon na si kuya Jakjak lang ang nakakaalam. Hindi nga rin niya alam kung nasaan na ako ngayon.

Pero hindi ako nagsisisi. Hindi ako nagsisisi na pinili kong umalis sa bansang 'yon. Sobrang dami kong natutunan tungkol sa sarili ko, tungkol sa pinagmulan ko, tungkol sa mga kapatid ko, at tungkol sa mga magulang ko. Mas naging mature ako. Mas nag-grow ako as a person. Natuto akong mas mahalin pa ang sarili ko. Natuto ako kung paano pahalagahan ang sarili ko.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon