26

56.4K 2.4K 861
                                    

Alaric Ian Juariz

I was in the middle of a discussion with some staffs from the emergency department nang mag-vibrate ang personal phone ko sa aking bulsa. I had to excuse myself para sagutin ang tawag. Nang medyo makalayo na ako sa kanila, isa-isa naman silang nagsibalikan sa kanilang mga trabaho.

We were discussing about adding and replacing equipment inside the department for much more effective services. Simula nang makabalik ako sa trabaho, I mostly spent my time talking and meeting the executives, board members, and staff. I rarely had a chance to sit because I had to catch up with work.

It is stressful but I love my job. Bata pa lang ako pinangarap ko ng makapagtrabaho dito. Simula nang dalhin ako ng lolo Rillieto ko sa hospital niya at pinakita kung paano ang pamamalakad doon, I know from then on what I wanted to become.

Si lolo Rillieto ay ang kapatid ng lolo ko na nagmamay-ari sa hospital na pinagsisilbihan ko ngayon. He's the grandfather we wish we had. Siya at si Jonas ang tumulong sa akin para hindi ako papasukin ng lolo sa politika. Dahil walang naging asawa't anak ang lolo, sa akin niya ipinamana ang hospital.

Tiningnan ko kung sino ang tumawag at napakunot ang noo nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa screen.

Roan Juariz.

"I-Ian? Ikaw ba 'yan?" Mas lalo akong nagtaka nang marinig ang nanginginig niyang boses.

"Yes, it's me. What's the matter? May sakit na naman ba si Rain?" Ang tanong ko saka saglit na tiningnan ang oras sa aking relo. It's already past 5 in the afternoon and I'm pretty sure na nakauwi na si Piyo sa mga oras na 'to.

"Hindi 'yan. Ian, si Piyo kasi..." Agad na nilukob ng pangamba at takot ang dibdib ko ng marinig ang pangalan ni Piyo. "Hindi namin siya mahanap, Ian. Dalawang oras na siyang nawawala." Ramdam ko ang frustrations at takot sa boses niya na sinundan ng isang mahinang paghikbi.

Fuck!

"Calm down. Everything's going to be fine. Sigurado naman akong nagsisimula ng kumilos ang bodyguard niya. I'll see you in a bit." Ang sabi ko bago pinatay ang tawag.

I tried to check his location on my phone but it's not working. His GPS got broken. I secretly attached a GPS tracking device on his shoes and phone para alam ko kung saan-saan siya napupunta. Ngunit walang silbi ang mga 'yon ngayon.

Halos liparin ko na ang parking lot sa labis na pagmamadali. Hindi ako mapapakali kung maghihintay lang ako sa report ng tauhan na itinalaga kong magbantay kay Piyo. Mabilis kong binuksan ang sasakyan ko at sumakay doon.

I frustratingly punched the steering wheel when I couldn't insert my key into the lock cylinder all the way down to the ignition. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sinubukang muling ipasok ang susi sa maliit na butas ng lock cylinder. Nang mapaandar ko ang sasakyan, kinonekta ko muna sa speaker ang cellphone.

Una ko tinawagan ang sekretarya ko.
I still have these few important agendas left before I head home, and I need to have him move that tomorrow.

"Yes, sir?"

"Gideon, I need you to reschedule our meeting with the finance director. Something important came up at home."

"Shall I reschedule it to 10 a.m. tomorrow, sir?" Ang tanong niya sa akin. Sa mga oras na 'yan ay nagche-check lang ako ng mga e-mails at kinakamusta si Piyo sa trabaho niya.

"That's fine with me. Thank you." I turned off my phone and focused myself on driving this damn car. Noong huli kasing nawala si Piyo ay kamuntikan ko ng mabangga ang isang matanda.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon