7

66.3K 2.8K 2K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Mahina akong napadaing ng hindi ko maramdaman ang nakasanayan ko ng init na katawan ni Ian sa tabi ko. Matagal bago ko ibinuka ang mga mata ko. Natatakot ako na baka paggising ko wala na pala si Ian. Natatakot ako 'pag ibinuka ko ang mga mata ko, gigising ulit ako sa dati kong buhay. Natatakot akong gumising ng wala si Ian.

Natatakot akong gumising na nag-iisa.

Ilang taon na rin simula ng mag-kasakit ako ng ganito. Sa sobrang daming sakit na naranasan ko, hindi ko aakalaing tatablan pa ako ng lagnat. Siguro iniwan na ako ni Ian kasi napapagod na siya sa akin. Baka napagod na kakaalaga sa akin si Ian buong gabi. Baka pagod na siya sa pabigat at isip-bata na kagaya ko. Siguro nga nandidiri na rin si Ian sa akin. Naiintindihan ko naman si Ian eh pero bakit hindi ko maiwasang malungkot? Sobrang sakit ng puso ko. Ayoko ng ganito.

Kahit sobrang bigat pa rin ng katawan ko at sobrang giniginaw pa ako inimulat ko ang aking mga mata at sinubukang bumangon. Ramdam ko ang matinding pagkahilo pagkaupo ko. Nang makita ko ang paligid na walang bakas ni Ian, nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.

"Wala na si Ian." Ang umiiyak kong sabi sa sarili. Itinakip ko ang dalawang kamay sa aking mga mata habang umiiyak dahil sa tindi ng pag-ikot ng paligid ko.

Sa kabila ng masamang pakiramdam, nagawa ko pa ring tumayo at mabilis na dumungaw sa bintana ng kwarto para sumuka. Tagaktak ang malamig na pawis sa noo at likuran ko habang inilalabas lahat ng ipinikain sa akin ni Ian kagabi.

"Piyo?! Piyo?! Shit!"

Naramdaman ko ang magaang paghagod ng isang malapad at mainit na kamay sa likuran ko. Napasandal ako sa katawang nakapwesto sa aking likuran pagkatapos kong sumuka. Binalot ang pang-amoy ko ng pamilyar na amoy ni Ian.

"I-Ian?" Ang mahina kong tanong dito habang nakapikit. Wala na akong lakas pagkatapos kong sumuka.

"Yes, sunshine? C'mon, let's get you back to bed." Napangiti ako ng marinig ang mababa ngunit malambing na boses ni Ian. Kahit hindi ko maintindihan ang sinabi ni Ian masaya pa rin ako. Nandito si Ian. Hindi niya ako iniwan.

Pagkatapos akong maihiga ni Ian sa higaan namin, muli na namang nawala ang init niya. Minulat ko ang mga mata ko para makita si Ian pero ang nakatalikod lang niyang postura ang nakita ko. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang takot.

"Ian...iiwan mo na ba ako?" Ang mahina kong tanong dito at pumikit. Pagod na pagod na ako.

Ian, gusto ring sumama sa iyo paalis.

Ilang minuto ang lumipas narinig ko muli ang mahinang lagitik ng sahig. Tumigil sa tabi ko ang mabibigat na yapak mula sa kung sino.

"I'm not going to leave you, Piyo. Kumuha lang ako ng tubig para mapainom ka na ng gamot mo." Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang gwapong mukha ni Ian. Ang gwapo-gwapo talaga ni Ian. Hindi ako magsasawang titigan ang mukha ni Ian buong araw. Hinding-hindi ako magsasawa kay Ian.

Inabot ko ang gwapong mukha ni Ian at dinama ang init na nanggagaling sa kanya. Si Ian nga. Hindi nga talaga ako iniwan ni Ian.

"Sori, Ian, hindi ko sinasadyang magka-sakit. Sori, kung naging pabigat ako sa'yo. Pasensya ka na kung makasarili ako at ayaw kitang mawala sa tabi ko kahit may sakit ako. Sori, Ian." Ang sunod-sunod kong paghiningi ng paumanhin dito.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon