14

66.7K 2.7K 1.2K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Mahina akong napabuga ng hangin habang nakayuko at ang mga kamay ay nakalagay sa bawat gilid ko. Nasa loob pa ng kwarto puting kwarto si Ian, kinakausap si doc mam.

Sabi ni Ian at doc mam may despersion daw ako saka anderwet.  'Yong anderwet ay 'yong kulang daw sa timbang. Wala kasi akong maayos na kain kasi nagtitipid ako para makakain sa isang linggo at makapag-ipon. Nag-iipon ako para nakabili ako ng dayper tuwing dinudugo ako taon-taon.

Sabi rin nila keryer daw ako. Hindi ko naman alam kung ano 'yon. Tinanong ko si Ian tungkol doon pero sabi niya pag-uwi nalang daw namin sa bahay niya. Kinakabahan ako mamaya. Baka mag-bago ang isip ni Ian tapos babawiin niya lahat ng sinabi niya sa akin. Natatakot ako pero ayaw kong umiyak ulit si Ian dahil sa akin.

Inangat ko ang paningin ko at tinitigan ang lalaking nakatayo sa gilid ng nakasarang pintuan sa aking harapan. Narinig ko si Ian na tinatawag siyang Magnus. Naaalala ko rin ang mukha niya. Siya 'yong tumulong sa akin sa lumang bahay.

Sa buong durasyon ng pananatili ko dito sa hospital, ni minsan ay hindi ko ito nagawang makausap at mapasalamatan. Badigard daw siya 'yong parang si chip.

"M-Magnus?" Sinubukan ko siyang tawagin pero nautal ako. Medyo nakakatakot kasi siya. Parang si Ian 'pag nagagalit.

"Yes, sir?" Malalim, malaki at nakakatindig-balahibo ang boses nito pero hindi naman ako natatakot sa kanya.

"Ser? Hindi mo naman ako amo eh. Hindi rin ako kostomir. Di ba si Ian ang amo mo po, kuya?" Ang nagtataka kong tanong dito.

"Pinapabantayan ka niya sa akin so technically you're my boss too." Ang sagot nito na ikinaasim ng mukha ko. Hindi ko maintindihan. Anong teknikli?

"Hindi ko maintindihan yong huli eh. Pwede tagalog na lang?" Ang nahihiya kong pakiusap ko dito.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero parang nakita kong umangat ang gilid ng labi niya.

"Pinababantayan ka niya sa akin kaya ibig sabihin amo rin kita." Ang sagot nito na ikinagulat ko.

"Pinapabantayan? Bakit ako pinapabantayan ni Ian, Magnus? Oki lang ba Magnus ang itawag ko sa'yo o kuya? Hindi ko kasi alam ang edad mo pero mukha ka ng matanda. May anak ka na ba?" Ang sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nakita kong mariin siyang napapikit at napahilot sa noo niya. Hala, baka may sakit rin siya. "Masakit ba ulo mo? Gusto mo rin bang magpa-ospital?"

"Damn..." Ang narinig kong bulong niya bago muling tumingin sa akin habang natatawa. "Okay lang ako. Pinapabantayan ka niya sa akin kasi gusto ka niyang protektahan. Pwede mo akong tawaging Magnus, I'm still 27 at wala akong anak."

Habang tumatawa ito hindi ko maiwasang mapansin ni medyo kahawig sila ni Ian 'pag ngumingite. Ang kyut-kyut nilang dalawa. Saka gwapo rin siya katulad ni Ian at matangkad, pero mas gwapo at mas matangkad pa rin si Ian sa kanya. Mas gusto ko pa rin si Ian.

"Oki, Magnus. Philip Yoshieke Magnao ang pangalan ko kaya wag mo na akong tawaging ser. Piyo na lang kasi nakakahiya hindi naman ako nagpapasweldo sa iyo."

Nakita kong nakangiti siya habang napailing. "Piyo, huh? How can a midget like you talk a lot?"


Napakunot na naman ang noo ko kasi hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi mo, Magnus." Ang kunot-noo kong saad dito.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon