Philip Yoshieke Magnao
Paglabas ko sa kwarto ay mabilis akong nagpunta sa kusina at itinukod ang kamay sa aking lababo na gawa sa kawayan.
Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. A-anong nangyayari? Mamamatay na ba ako?
Tiningnan kong pumasok ang puti kong pusa hanggang sa makatalon ito paakyat dito sa lababo.
"Ang gwapo-gwapo niya, Puti." Ang nakangiti kong kwento sa pusa ko na nagdala na naman ng ninakaw niyang isda sa kabilang baryo. "Para siyang liding man sa mga porn mobis."
"Kahit nangingialam siya sa ingles ko ay ang gwapo niya pa rin. Nayakap ko rin masels niya. Hehe." Ang kinikilig kong kwento dito habang nilalagyan ng kahoy ang kalan.
"Ehem." Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang lalaking tinulungan ko kagabi. "I'm sorry kung ginalit man kita. Hindi ko sinasadya."
"Okay lang, gwapo ka naman. Tsaka alam ko namang hindi ako magaling sa ingles. I'm not offending. It's orayt. Iniwis, mag-iinit lang ako ng tubig para pang kape at pang ligo mo." Sabi ko sa kanya habang sinisindihan ang mga kahoy na nilagyan ko ng gas.
Ginaya ko pa talaga 'yung mga ingles ng kano sa paspod na pinagtra-trabahuan ko. Hindi ko lang maalala ng mabuti 'yung tamang salita pero okay lang, parang magkatunog naman sila.
Nakita ko pang napangiwi siya sa sinabi ko sa pamamagitan ng aking federal vision.
"S-sure, thanks. By the way...I just want to say—gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo ay baka namatay na ako ngayon." Aniya at umupo sa may harap ng lamesa na nakapwesto sa likuran ko. Konektado lang kasi ang aking derte ketshen sa aking dayning room. Ipinatong ko na sa kalan ang takuri kong napanalunan sa isang tindahan.
"You're welcum! Hindi naman talaga kita sana tutulungan eh kasi natatakot ako. Pero hindi naman ako ganoon kasamang tao. Natatakot rin ako baka magparamdam ka sa akin. Mag-isa pa naman ako dito sa bahay." Kwento ko sa kanya. Kinuha ko mula sa isang garapon ang isang sachet ng 3in1 na kape at nilagay ang laman nito sa tasa kong walang hawakan. "Hindi ka na sana gumalaw pa. Baka mapano ka pa. Malayo pa naman hospital dito."
"Don't worry, malayo naman 'to sa bituka. But seriously thank you. I don't really kniw what will I become kung hindi mo kaagad ako natulungan. Pero may kaunti akong mga katanungan sana ay sagutin mo ako ng maayos. Nasaan ba talaga ako?" Tanong niya sa akin.
Ngumite ako at hinarap siya. Inunat ko ang aking magkabilang mga bisig sa bawat gilid at itinaas ito ng kaunti. "Ikaw ba'y nalulungkot? Ikaw ba ay napupuot? Ikaw ba'y naghahanap ng lugar na mapaghihingahan? Pwes, Hindi ka nagkamali ng pinuntahan. Welcome to Baryo Nilimot! Sa aming baryo, problema mo'y siguradong limot."
Ang masaya kong pakilala sa aming baryo. Gusto ko sana kasing mag-apply bilang tour guide sa may bayan. Sabi ng lalaking nag-orient sa amin, kailangan daw naming gumawa ng into—inchu–introduction yata 'yun sa mga baryong pinanggalingan namin bago kami makapasa. Eport na eport pa ako pero diniskwalipay nila ako kasi hindi naman daw ako nakatapos ng elementarya. Sus, eh kaibigan ni Lotte 'yung nag orient sa amin eh. Nakita kong binigyan yun ni Lotte ng tatlong daan.
Medyo sumasakit na ang panga ko sa kakangiti pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Malayo ba ito sa Baryo Esmeralda?" Seryosong tanong niya sa akin. Ibinaba ko na ang aking mga kamay at tumango.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...