Philip Yoshieke Magnao
"Ian..."
Kanina pa naglalakad ng pabalik-balik si Ian dito sa harapan ko. Simula pa ito ng matapos ako magpalit ng damit. Nahihilo na ako kakapanood sa kanya. Medyo nakakatakot rin ang mukha ni Ian. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at nakatiim ang kanyang bagang habang nag-iisip ng malalim.
Sa wakas! Tumigil si Ian sa harapan ko at ang mga kamay ay nasa magkabilang bahagi ng kanyang bewang. Dahil nakaupo ako sa isang bangko, kailangan ko pa itong tingalain. Ayoko sa mukha niya ngayon. Mas gumwapo si Ian pero nakakatakot siya 'pag ganito.
Ngumoso ako dito at niyakap ang kanyang bewang. "Ian, 'wag ka na magalit sa akin. Birtde ko ngayon eh."
"Anong ginawa niya sa'yo?" Ang seryosong tanong ni Ian sa akin. Yumuko ako at isiniksik ang ulo ko sa kanyang tiyan. Mahigpit rin akong yumakap sa kanya.
Hindi ako sumagot kaagad. Kasi...kasi natatakot ako. Natatakot akong masanay kay Ian. Mas mabuti kung wala siyang gaanong alam sa akin kasi kakaawaan niya lang ako. Ayokong maging kaibigan niya kasi naaawa lang siya sa akin.
"PHILIP!" Mas humigpit ang kapit ko sa kanya ng dumagundong ang boses niya dito sa bahay.
"S-si Kap, Ian. Y-yumakap siya sa akin, Ian, na nakahubad. Tapos ibinagsak niya ako sa lupa at sinuntok ang tiyan ko. Sabi niya..sabi niya ano...i-iyotin daw niya ako." Ang nahihiya kong sabi dito.
"Wag ka ng mag-alala, Ian. Tinulungan naman ako ni daga." Muli ko itong tiningala at binigyan ng isang maliit na ngiti. Nakayuko ito sa akin at seryoso pa rin ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Ian sa pagkakataong ito.
"Kumain ka muna at magpalit ng damit. Tutuloy tayo sa bayan pagkatapos ko. Maliligo muna ako. I need to cool my head" Aniya at tinanggal ang mga braso kong nakapulopot sa kanyang bewang.
Sayang naman, naramdaman ko kasi 'yong saging ni Ian. Malaki talaga at hindi ako nandidiri! Hindi katulad ng kay kap o sa kanino mang lalaking pinipilit ako. Kapag si Ian yumakap sa akin, okay lang. Mabango kasi siya tapos okay lang din mag-kiss siya kasi mabango bibig niya. Tsaka mabait si Ian sa akin. Hindi niya ako minamaliit o pinapahiya. Inaalagaan rin ako ni Ian.
"Ian, kahit hindi ka maligo ng isang taon, cras pa rin kita." Ang mahina kong bulong sa hangin nang nasa may pintuan na si Ian.
Hindi naman nagtagal si Ian sa pagligo. Pagkatapos kong magdamit ay siya namang pagpasok nito sa kwarto. Umakto akong nagsusuklay at nakaharap sa salamin habang nagpapalit ng damit si Ian sa akin. Mula sa salamin ay kita ko ang magandang likuran ni Ian. Kahit tumalikod lang si Ian gwapo na siya.
Sana ol!
Narinig ko yang sinabi ng mga katrabaho ko kapag naiinggit o may nagugustuhan sila. Ako, hindi naman ako naiinggit kay Ian pero gusto ko lang siya.
Sumakay kami ni Ian ng habal-habal papuntang bayan kasi madalang lang ang jeep dito. Mas uso 'yong habal-habal dito.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi gaanong maraming tao kasi may pasok ang school at trabaho ngayon. May trabaho sana ako ngayon pero tumawag ang manager namin kay Ian, sabi niya okay lang daw kung hindi ako pumasok ngayon.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...