Epilogue

77.1K 2.7K 1.6K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

"Tine, kinakabahan talaga ako. Baka himatayin ako mamaya," ang sabi ko kay Tine.

Nandito siya sa aking harapan habang
nilalagyan niya ng kolorete ang aking mukha. Si Roro naman ay ang nag-aayos sa aking buhok. Si Den naman na asawa ni kuya Jonas ay busy kakakuha ng mga litrato.

"Anong himatay-himatay, bakla. Sa sarap ka dapat mahimatay mamayang honeymoon niyo! 'Yong lingerie briefs, suot mo na ba? Yong mga condom binutasan ko na ha.  Nilagyan ko na rin ang bag mo ng aphrodisiac candle."

"Oo, Tine. Sinuot ko na! Tapos pinanuod ko na rin iyong video sa pornhub na pinadala mo."Ang masaya kong sagot sa kanya.

Lumayo si Tine sa akin. Napasapo siya sa kanyang bibig ang isang kamay naman niya ay nasa kanyang bewang. Bumaba tuloy ang tingin ko sa kanyang malaking tiyan. Buntis na naman si Tine! 6 months ang kanyang tiyan.  Sabi niya triplets daw. 

"Anong problema, Tine?" Ang nag-aalalang tanong ni Roro sa kanya. Pati si Den ay napatigil na din sa pagkuha ng mga larawan.

"Anong nangyayari, Austine? Teka, umiiyak ka ba?"  Lumapit pa lalo sa amin

Pumadyak si Tine saka maarteng pinunasan ang kanyang mukha. Wala naman siyang mga luha. "Hindi... hindi ako makapaniwalang ikakasal na ang anak na'tin. Parang kailan lang pinapadede ko pa siya sa malaki kong suso."

Nakita kong nangunot ang noo ni Den matapos marinig ang sinabi ni Tine. Si Roro naman ay malakas na natawa sa likuran ko saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking buhok.

"Anong suso? Mas flat ka pa nga sa plywood, Austine. Saka ikaw kung anu-ano talaga pinagtuturo mo sa mga bata. Natatakot na ako para kay Janisse," ang naiiling na sabi ni Den.

"OMG?! Sinasabi mo bang bad influence ako, girl?" Ang hindi kuno makapaniwalang tanong ni Austine kay Den.

Natawa nalang ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano ito nagagawa ni Tine. Siguro ay talento niya ito. Minsan kasi ay apaka ganda ni Tine tapos minsan naman ang pangit niya rin.

Tumawa si Den saka hinampas si Austine. "Jusko, Austine! Ayusin mo naman 'yang mukha mo. Pero, oo, parang gan'on na nga."

"Paanong ayusin, Den. Dapat 'yang mata mo ang dapat ayusin. May problema na talaga, swear! Masyado ng dry. Parang kulang sa dilig. I tell you, hindi na 'yan magandang sign. So ilang lacy briefs ang bibilhin mo? May discount kang 2 percent if bibili ka ng dalawang set."

"Talaga ba? Dry na dry na ba talaga akong tingnan, Tine. Si Jonas kasi palaging bagsak tuwing umuuwi galing sa trabaho. One week na."
Ang pagkwe-kwento ni Den habang sinisipat ang sarili niya.

"Ay nako, day. Sinasabi ko sa inyong lahat. Wag niyong hahayaang hindi matakam sa inyo ang mga asawa niyo. Dapat mas fresh pa tayo sa mga virgin. Baka biglang maghanap ng ibang putahe ang mga asawa natin. Iyong mga brief namin different color and designs kaya worth it na worth it ang gabi ninyo. Hindi kayo titigilan hangga't wala na kayong mailabas. So si Piyo dalawang set, kay Roro tatlo? Okay. Tapos sa iyo naman, Den. Gawin mo ng apat."

Lahat kami ay natawa nalang kay Tine. Kahit ilang taon na kaming hindi nagkita pareho pa rin siya. Bastos pa rin ang bibig niya.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon