6

61.5K 2.7K 1K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Napabuga nalang ako ng hangin ng banggain ako ni Chino sa aking balikat. Sapul ang pagkakasagi ng mga pasa ko kaya malakas akong napadaing.

"Chino..." Ang naiiyak kong tawag dito. Minsan naiisip ko ring lumaban pabalik. Gusto ko rin silang suntukin pabalik kagaya ng pagsuntok nila sa akin. Pero alam ko ang limitasyon ng katawan ko. Hindi nito makakaya ang barakong katulad ni Chino.

Muli ako nitong hinarap at nginisihan. Lumapit ito sa akin at malakas na tinampal ang noo ko. Napangiwi nalang ako sa sakit. "Ikaw, pasalamat ka at nasa likuran tayo ng building kahapon kung hindi matagal na kitang napatay. Nanggigigil ako diyan sa mukha mo eh. Sus!" Itinaas nito ang kanyang kamao kaya mabilis kong itinaas ang aking kamay bilang pangprotekta sa aking mukha.

"Oh, kalma! HAHAHA! Natakot ba kita? Huh? Nagbibiro lang ako." Aniya at mabigat ang kamay na hinaplos-haplos ang ulo ko. Sapilitan akong napayuko dahil sa madiin nitong paghaplos.

Hindi naman ako natatakot masaktan. Sanay na ako sa sakit ng katawan. Simula bata pa lang ako hanggang ngayon hindi nawawalan ng pasa at sugat ang katawan ko. Sanay na sanay na ako sa sakit na minsan ay namamanhid na ang katawan ko.

"Linisin mo na 'yang banyo. May nakabarang napkin sa ikatlong cubicle." utos niya bago idiniin na ang ulo ko pababa sabay bitiw.

"Pero trabaho mo 'yon. Taga hugas lang  ako ng plato ngayon kasi magha-hapde lang ako." Ang paliwanag ko dito. Ayokong sirain ang pangako ko kay Ian.

"Ano?! Gusto mo na naman ba ng bugbog ha?!" Ang paninindak niya sa akin. Pinandilatan pa niya ako ng namumula niya ng mga mata.

Mariin ako pumikit at umiling. Ayokong mag-alala ulit si Ian sa akin. Hindi pa ako pwedeng mamatay hanggat nandoon si Ian sa bahay.

"Ayaw ko." Ang mahina kong sagot dito.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Dami mo pang arte o-oo karin naman pala. Pakamatay ka na ulol!" Singhal niya sa akin bago ako kinutusan. Napatungo nalang ako at napahawak sa noo ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan ng umalis si Chino sa harapan ko. Nakangiti akong pumasok sa loob ng banyo at tinungo ang lagayan ng mga panglinis.

Eksayting na akong umuwi mamaya. Sweldo kasi namin ngayon. Bibilhan ko ng prayd sheken si Ian para halikan niya ako ulit. Ang sarap ng peeling noong kiniss ako ni Ian kagabi sa noo at kaninag umaga rin. Hehe. Nagnakaw nga ako ng kiss sa pisngi niya kanina. Pers taym ko kumiss tapos sa gwapo pa. Kinikilig ako.

Gusto ko sanang humingi ng kiss sa labi niya kaso nakakahiya. Ayon sa narinig at nakita ko para sa magboypren at gerlpren lang 'yon tapos 'yong mga nagseseks rin kagaya ng nasa porn.

Sa palagay ko kras ko na si Ian. Ang gwapo-gwapo niya kasi tapos ang laki rin ng saging niya. Minsan nagigising ako ng maaga kasi sumusundot sa paa ko yong saging ni Ian. Tinatakpan ko nalang ng unan kasi malagkit at basa.

Kinuha ko 'yong glabs at parang pang-ipit. Kinuha ko na rin you sabon at bras. Gusto kasi ni ma'am Jai na kinukuskus talaga 'yong cr. Prawd naman ako sa gawa ko kasi puting-puti 'yong mga tayels dito sa cr.

"Kuya, ano ba 'tong cr niyo ang dumi. Gawin niyo naman ng maayos 'yang trabaho niyo." Ang reklamo sa akin ng isang kustomer na
lumabas mula sa ikatlong kyubikol.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon