Philip Yoshieke Magnao
"P-Piyo, ikaw ang nawawala naming anak."
Namali yata ako ng rinig ay pagkakaintindi sa sinabi ni manang.
Pilit akong ngumite ako at muling tinanong si manang, "Ano po 'yon, manang?"
Hinaplos ni manang ang mukha ko at umiiyak na sumandal sa dibdib ko. Sobrang lakas na ng kabog ng puso ko. Iyong kamay ko namamawis na.
"Ikaw ang anak namin, Piyo. You're our son, anak. Ikaw ang batang ipininta mo. Ikaw ang batang hinahanap ko."
Ako ang...ako ang nawawala nilang anak?
Parang bigla yatang naging blanko ang utak ko. Paanong...anong? Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Nakatingin silang lahat sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
Pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin sa kanila. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin sa mga oras na 'to.
Hindi ko namalayang umiiyak na rin pala ako. Pabalik-balik ang tingin ko kay manang, sa mga anak niya at sa asawa niya. Ito...ito ang pamilya ko?
Ang tunay kong pamilya?
Pero bakit ngayon lang sila dumating?
Umiling-iling ako ako at saka pinunasan ang mga luha ko. "S-sori po...uuwi na po ako."
Tumingala si manang sa akin at nagmamakaawa akong tiningnan. "Piyo, anak..."
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa damit ko at mabilis na tumakbo palayo sa kanila. Palayo sa mga taong nagpakilala sa akin bilang tunay kong pamilya.
Bakit gan'on? Bakit hindi ako lubusang masaya?
Mas nangingibabaw ang kalituhan na nararamdaman ko. Madaming tanong sa utak ko pero walang lumabas sa bibig ko. Duwag lang akong tumatakbo papalayo sa katotohanan.
"Sir! Sir!" Narinig kong tinatawag ako nila Popoy pero patuloy lang ako sa mabilis na pagtakbo.
"Piyo!" Narinig ko ring tinawag ako ni manong, na totoong tatay ko.
Pero hindi ako tumigil. Ang nasa isip ko lang ay ang kagustuhan na makalayo dito. Makalayo sa mga taong 'to. Gusto kong mapag-isa.
Ilang taon akong humiling na sana may pamilya ako. Ilang taon kong hiniling na magkaroon ng nanay, ng tatay at mga kapatid na magmamahal sa akin. Ilang taon kong hiniling sila pero bakit may pait at pagkadismaya akong nararamdaman?
Ilang taon akong namuhay ng mag-isa pero bakit ngayon lang sila dumating? Alam kong hindi dapat ako maramdaman ng ganito. Dapat magpasalamat ako kasi dumating sila sa buhay ko. Pero hindi eh. Hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging masaya ng lubusan.
Noong sinabi ni manang na ako daw ang nawawala nilang anak, biglang bumalik lahat ng nangyari sa akin dati. Bumalik lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko sa mga kamay ng mga kinikilala kong magulang. Bumalik sa akin ang mga panahong natutulog ako sa malamig na semento sa tabi ng daan na may masakit na ulo dahil sa mga malalakas na hampas ng papa ko. Iyong mga panahong minamaliit at pinandidirihan ako ng mga tao. Iyong mga panahong sukong- suko na ako sa buhay kasi akala ko ... akala ko ako nalang mag-isa. Noong mga panahong hiniling ko na sana may magligtas sa akin mula sa buhay na 'yon.
Bakit hindi sila dumating noong kailangang-kailangan ko sila? Sobrang hirap ko ba talagang hanapin?
Tumigil ako sa isang parke at padausdos na naupo sa likuran ng isang malaking kahoy. Niyakap ko ang aking mga paa at saka humagulgol ng iyak.

BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...