30

64K 2.3K 979
                                    

Alaric Ian Juariz

19 years ago...

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang batang babae na nakapasok dito sa hospital ng lolo ko. Kids are not allowed in this part of the hospital, except me, of course. Nagmamadali siyang tumakbo kasunod ng babaeng mas matanda sa kanya, na sa tingin ko ay mama niya.

They stopped walking. Pinatago siya ng mama niya sa isang sulok ng dumaan ang isang nurse. The nurse was in a hurry kaya hindi nito napansin ang balisang mukha ng babae at ang batang nakatago sa likuran nito.

Nakasunod lang ang paningin ko sa kanila hanggang sa makapasok sila sa loob ng isang private room.

"Ian, apo, nandito ka lang pala. Let's go. Hinahanap na tayo ng lolo mo."

I looked away from the empty aisle and looked up. I saw my grandfather's brother walking up to me with a small smile plastered on his slightly wrinkly face. He looked really pleased. Something good must have happened.

Muli akong tumingin sa aisle at sumimangot. Lolo Rellieto is pretty strict with his hospital rules kung kaya't sigurado akong maraming tauhan ang madadamay at mawawalan ng trabaho kapag nahuli ang batang 'yon.

"What's wrong, kid?"

Tumingin ako ulit kay lolo at umiling.
"Nothing, lo. Are we going to head home?" Ang sa halip ay tanong ko nalang.

Tumango siya at saka ginulo ang buhok ko at inakbayan ako.

"Yes, let's buy some flowers on our way."

I'm enjoying a month of vacation in his house. Mas pinili kong manatili sa bahay ng kapatid ni lolo dahil ayokong makasama siya sa iisang bubong. I had to endure a month of scolding, beating, and political lessons if I stay there. It was a real pain in the ass living in the same house with him. Jonas is the only one who can tolerate living with that annoying old man.

"How much is this?" I snapped back to reality when I heard lolo Rillieto talk beside me.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita si lolo na sinusuri ang isang boquet ng bulaklak. Agad niyang inabot ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa at kumuha doon ng tatlong libo at saka ito inabot sa babaeng nag-aabang sa labas ng sasakyan namin. May ilan pang binili ang lolo habang nasa daan bago kami nakarating sa bahay niya.

Pagpasok namin doon, agad kaming sinalubong ng kasintahan niya. Lolo Roman is my grandfather's sickly lover. Simula noong una ko siyang makita nakaupo lang siya lagi sa wheel chair niya. Kung hindi naman sa wheelchair niya ay nandoon naman siya sa kwarto at nagpapahinga. Walang ibang nakakaalam tungkol sa kanya maliban sa akin at mga tauhan ni lolo. My real grandfather don't know that his brother is in an intimate relationship with another man.

Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisnge. "Lolo, we got you a boquet of flowers!"

Mahina siyang natawa. "Really? Thank you, apo."

"Shut up, kid! Tsk. Inunahan mo pa talaga ako."

Hindi ko pinansin ang lolo at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap kay lolo Roman. I like talking to him. I like talking to him about the places he wanted to go. Kinagabihan, doon ko naisipang matulog sa kanilang kwarto. My grandfather looked really annoyed, but I don't care. Gusto ko lang makausap ang lolo.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon