12

60.8K 2.6K 918
                                    


Philip Yoshieke Magnao

Dati palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ang mali sa pamilya ko. Mayroon naman akong mama at papa, pero bakit hindi sila katulad ng mama at papa nila Rio, Dio, Jekjek, Rayray at Obet?

Hindi ko maintindihan kung bakit palaging sinasaktan ni papa si mama kahit wala naman siyang ginagawang masama. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw umalis ni mama sa tabi ni papa kahit pinapalo at sinusuntok siya ni papa. Masakit kaya 'yong masuntok at paluin. Nasuntok at napalo na rin kasi ako ni papa. Dumugo yong paa at ulo ko.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sinasabi ni papa na lab niya si mama kahit kakiss niya ang pokpok na si Greta. Minsan kakiss niya rin si Hapi, 'yong naglalako ng gulay sa amin. 'Di ba kapag lab mo ang tao, isa lang dapat lab mo? Hindi pwedeng marami.

Minsan kong tinanong si mama tungkol dito kasi sumasakit ang ulo ko sa daming tanong pero wala namang sagot. Pero ngumite lang si mama sa akin gamit ang kanyang mga labing namumutla. Isang ngiting hindi umabot sa kanyang namumulang mga mata.

"Mama, bakit ka po pinapalo ni papa po kahit hindi ka po pasaway? Hinihila niya rin po ang buhok ninyo. Tapos binabato ka po niya ng bote. Hindi ka po ba lab ni papa, mama?" Ang nagtataka kong tanong dito. Nakaupo kami sa harap ng aming bahay habang hinihintay ang pagdating ni papa.

"Mahal ako ng papa mo. I-Iba lang talaga siya magmahal. Na sa kanya rin kasi ang gamot ko. Hindi mabubuhay si mama kapag wala ang gamot ng papa mo. Lalo na ngayon, may baby dito sa sinapupunan ko." Agad akong napalingon sa kanya gamit ang aking namimilog na mata.

"Talaga, mama?! May kapatid na po ako?! Yes! Yes!" Tumalon-talong pa ako sa labis na saya.

Kapag nasa paaralan sila Rio, Dio, Jekjek, Rayray at Obet hindi na ako mababagot kasi may kasama na ako. Hindi kasi ako araw-araw nakakapasok sa skul. Pag may natirang pera lang si mama. Hindi rin ako pinapayagan ni papa kasi ako ang pinapadala niya sa mga gamot niyang binebenta.

Akala ko hindi na muna sasaktan ni papa si mama. Kasi nakikita ko ang mama ni Rayray, inaalagaan siya ng mabuti ni Kuya Ryan. Inaalalayan habang naglalakad, hinihimas ang tiyan at binibili ang gusto nito. Pero hindi ganoon ang papa ko.

"PUTA KA, LUPE! ANG BOBO MO GAGO! SAAN MO NILAGAY ANG SHABU?! GAGU KA ANONG IBEBENTA KO NGAYON?! ANO?!" Matapos kong marinig ang malaking boses ni papa, nagmamadali akong pumasok sa malaki naming cabinet.

"Inubos? Wala akong inubos, mahal. Wala talaga! Unti lang hiningi ko eh. Ikaw kasi, ilang araw mo na akong hindi pin—ARAAY! DANI!" Mahigpit akong napayakap sa tuhod ko ng makitang hila-hila ni papa ang buhok ni mama habang kinakaladkad ito mula sa kama.

"TANGINA! ISANG BAG YONG INIWAN KO DITO ASAN YONG IBA?!"

"HINDI KO ALAM! Humihithit lang ako kanina tapos nawala, mahal. Parang Magic! Hehe!" Parang batang sabi ni mama sa sinubukan hilahin palayo ang ulo niya.

"MAGIC?! MAGIC HA? HA?! LIMANG DAANG LIBO ANG UTANG KO KAY BOSS! LECHE KA!" Sa halip na bitawan ni papa ang buhok ni mama  iniuntog niya ang ulo nito sa pader.

Gusto kong puntahan si mama at tulungan pero natatakot ako kay papa.

"ARAY! DANI! MASAKIT, MAHAL! A-ARAY!" Gaano man kalakas tumili si mama, hindi pa rin kami maririnig ng mga kapit-bahay namin. Malayo kasi sila.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon