Philip Yoshieke Magnao
"Don't worry, he's going to be fine. He fainted due to exhaustion. Tatlong araw na 'yang walang tulog. He traveled for seventeen hour without proper rest. Dumiretso siya dito pagkatapos niya um-attend sa party ng lola," ang pagsasalaysay ni Mario habang nakatingin kay Ian.
Si Ian... Nag-alala kong tiningnan ang mukha gwapong niyang mukha. Halata ang pagod sa mukha ni Ian habang mahimbing siyang natutulog sa kama ko. Parang nangayayat din siya. Pero nakita ko kanina habang pinapalitan siya nila kuya ng damit may abs pa rin naman si Ian tapos may masarap na muscles sa mga braso.
"Ian looked for you everywhere. Noong nawala ka, akala namin sa mental hospital o di kaya sa kabaong ang bagsak niya. Palagi siyang subsob sa trabaho. Kung wala naman siya sa trabaho, nandoon siya sa dati mong bahay. He lookes so empty and exhausted everyday. Kung ano man ang naging hindi pagkakaunawaan ninyo dati sana mapag-usapan ninyo. I want him to have a good life after being fucked up with guilt and undeserved responsibilities for many years."
Marahan kong hinaplos ang mukha ni Ian. Totoo ba 'yong sinabi niya, Ian? Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko ba gusto mo akong papatayin? Bakit ganito? Bakit nagkakaganito ka para sa 'kin?
"Piyo, I have to go. Please take care of him."
Lumingon ako sa direksyon ni Mario at tumango. "Maraming salamat po."
"It's nothing, take care." Akala ko tuluyan na siyang lalabas sa pintuan pero tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko.
"Sa Pilipinas ko nalang ibibigay ang mga regalo ko sa mga pamangkin ko," aniya bago tuluyang lumabas.
Hindi ako nakapag-react kaagad dahil nataranta ako sa paggalaw ni Ian. Akala ko gising na ito pero tumagilid lang pala siya ng higa. Nakaharap na siya ngayon sa direksyon ko. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama ni Ian kaya kitang-kita ko ang mukha.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na nga siya sa harapan ko. Ang Ian ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Miss na miss ko si Ian. Sobrang miss na miss ko siya. Hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko. Si Ian pa rin.
Ang mahawakan siya ulit, ang marinig ang mga boses niya, ang makita ang gwapo niyang mukha, ang malanghap ang pamilyar niyang amoy, akala ko hanggang sa panaginip ko nalang ito. Pero nandito si Ian. Nandito si Ian sa harap ko. Totoo siya.
Kinabukasan maaga akong nagising. Doon na ako natulog sa kwarto ng mga baby ko. Kahit gustong-gusto kong tumabi kay Ian ulit, hindi ko alam kong okay pang tumabi ako sa kanya. Saka baka madisturbo ko ang
tulog ni Ian.Karga-karga ko si baby Philric papunta sa kusina. Maglu-luto ako ngayon ng isa sa paboritong pagkain ni Ian, 'yong tinolang manok. Dati di ako nakapagluto sa kanya dahil hindi ako marunong. Kaya ngayon na marunong na ako, gusto ko siyang ipagluto.
Inilagay ko muna si Philric sa kanyang high chair bago ako nagsimulang maghanda ng mga sangkap para sa lulutuin ko. Habang naghahanda ng mga lulutuin abala naman ang baby ko sa panonood ng The Incredibles sa tab niya.
"Mama, kill twiken? Whyy?" Ang nagtataka at nag-aalala nitong tanong sa akin matapos niya akong makitang sinisilid ang mga hiniwa kong manok sa malaking kaldero.
"Because we're going to eat chicken. You don't want to eat chicken, baby?"
"Eat twiken? No! No! Fwend twiken, mama. No kill. Ayont eat twiken!" Napahalakhak ako nang maalala ko 'yong nasa maliit ko pang kubo kami ni Ian. 'Yong pinatay niya ang alaga kong manok na si Cardo.
"Ma-dead si mama kung di siya mag-eat ng chicken, ba—"
"Piyo?" Naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sa aking pangalan.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
UmorismoJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...