Third Person POV
Naiiyak na hinaplos ng may katandaang babae ang larawan ng isang nakangiting binata. Noong una pa lang niya itong nasilayan agad na siyang nahulog sa maaliwalas nitong mukha at magaganda nitong ngite. Parang may kung anong mainit ang humahaplos sa puso niya tuwing nakikita itong masiglang nagtra-trabaho sa restaurant na pinagtratrabahuan.
Kakarating lang kanina ng DNA result na ipinagawa niya sa ilang pribadong ospital dito sa Pilipinas. Maraming test ang ipinagawa niya para mas lalong masigurado ang resulta. At ito na nga. Ito na nga ang resulta.
Philip Yoshieke Magnao is her child. Ang binatang pintor ay ang batang ninakaw mula sa kanya twenty-one years ago.
"Madam, handa na po ang bathtub. Maaari na po kayong pumasok." Ang magalang na sabi ng kanyang katulong.
Tumingin siya sa direksyon nito at tumango. "Thank you. Please prepare my food. Bababa din ako mamaya."
The maid politely bowed her head at her direction bago tuluyang nilisan ang malawak at magarang kwarto ng ginang. Agad namang ibinalik ng ginang ang kanyang tingin sa brown envelope na nakapatong sa lamesang gawa sa mamahaling kahoy.
Matapos ibalita sa kanya ng kanyang kaibigan ang tungkol sa binatang kahawig niya na nagtra-trabaho sa isamg kilalang kainan dito sa Pilipinas, walang pagdadalawang isip siyang tumungo pabalik dito. Hindi naging maganda ang huling araw niya sa bansang ito dati ngunit para sa pag-asang makita at makasamang muli ang anak niya, tumapak siya muli sa lupaing ito.
Kamuntikan na siyang sumuko sa paghahanap dito. Kamuntikan na siyang maniwala sa lahat na wala na nga ang anak niya. That the body she found ten years ago is really her child's.
Ngunit lahat ng pagdududa, pangungulila, lungkot, pait at sakit ay nawala nang masilayan niya ang binata. He really did look like her. But he look so fragile. He's always smiling ngunit may kakaiba sa mga ngite at mata nito.
And his hands. Oh! his hands.
Mas lalong umusbong ang galit niya sa kanyang namayapang ama at kapatid habang inaalala ng kanyang utak ang tahi sa palapulsuhan ng anak.
Marahas niyang pinunasan ang mga luhang muli na namang kumawala sa kanyang mga mata at pinakalma ang sarili. Muli niyang inabot mula sa lamesa ang brown envelope at saka ito maingat na isinilid sa drawer sa ilalim ng kanyang lamesa. Tapos na niyang suriin at basahin ang mga nakasulat na mga impormasyon doon.
Hindi niya alam kung ano ang iisipin at mararamdaman sa mga oras na 'yon. Dapat ba siyang matuwa dahil sa wakas ay nahanap na niya ang kanyang anak o dapat ba siyang magalit at malungkot dahil sa naging buhay nito? It was the most confusing moment of her life.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang paliguan na kanina pa inihanda ng katulong. Ang bahay na tinutuluyan niya ngayon ay ang bahay na binili sa kanya ng kanyang asawa. Gusto sana nitong sumama ngunit may importanteng problemang kinakaharap ang kompanya nito ngayon. As much as she wanted to bring him with her, ayaw naman niyang pagbalik nila sa Japan ay problema pa rin ang kakaharapin.
Gusto niyang wala itong proproblemahin pagdating doon at masusulit ang kanilang oras na magkasama.
Matapos ang lagpas oras na pananatili sa paliguan. Sandali siyang nag-ayos ng sarili bago bumaba sa dining area ng bahay. Klase-klaseng mga pagkain ang nakahanda doon. Marami ang mga pagkaing nakahanda sa hapag para sa isang tao.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...