Philip Yoshieke Magnao
Nangangatog ang paa ko habang nakatayo sa harapan ng lola ni Ian. Sumilip ako sa gawi ng lamesa nila Ian habang nakayuko. Sa katabing lamesa kasi ng lola niya sila pinaupo. Nandoon din sila Roro at Tine kasi hindi sila pwedeng ilayo sa mga bebe nila. Saka si Lee ay nandoon rin. Nakaupo siya katabi ni Ian. Ang kasama ko lang dito sa ibang lamesa ay si Kirby at ate Nathalie.
Napakagat ako ng labi nang hindi ko makita si Ian doon. Si Lee lang ang nakita ko. Nakatitig pa siya ng mariin sa gawi ko. Nasaan na ba kasi si Ian? Gusto kong makita ang mukha niya para kumalma ang puso ko. Natatakot ako. Kahit ayaw kong matakot, hindi maiwasan ng puso ko ang mangamba.
"Mamita, please, let me walk you back to our table. Gustong makipag-usap ni tito Kris sa inyo. Leave him be." May diin ang pagkakasabi ng isang pamilyar ba boses habang binabangit ang tatlong huling salita.
Tumingala ako at nakita si Ian na nakapalibot sa balikat ng kanyang lola ang kaliwang braso. Nagsalubong ang paningin naming dalawa ni Ian. Parang kinakalma ako nito. Gusto ko ng yumakap kay Ian. Gusto kong marinig mula sa kanya na oki lang ang lahat.
"Hindi ba't ikaw ang kriminal na sumagip sa buhay ng apo ko?" Ang diretsahang tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi. Kriminal ba talaga ako? Pero sabi sa akin ni Ian hindi daw ako kriminal. "A-Ako po 'yong sumagip kay Ian."
Nilakasan ko ang aking loob at sinalubong ang mga mata niya. Unti-unti akong ngumite dito. Gusto kong maging oki kami ng pamilya ni Ian. Gusto kong maging oki kami ng mga taong importante sa kanya.
Tumaas ang kanyang kilay. Mapangmata niyang sinuri ang mukha ko pababa sa suot kong mamahalin na damit hanggang sa suot kong bagong sapatos. Gusto kong maging presentable ngayon kaya tinanggap ko itong binili ni mama sa akin.
"I don't like you." Ang sabi niya saka tumingin kina Kirby at sa mama niya. "And the both of you. Hindi dahil tanggap kayo ng anak at mga apo ko ibig sabihin tanggap ko na rin kayo. Hindi pa tayo tapos."
Taas noo niyo kaming tinalikuran tatlo at nagsimulang maglakad paalis. Mabilis kong dinampot ang maliit na pepper bag at saka sinundan ang lola nila Ian.
"Piyo, where are you going?" Ang narinit kong tanong ni Ian habang nakasunod sa akin. Pero hindi ko muna siya pinansin. Naka-pokus lang ako sa pagsunod sa lola niya
Sori, Ian! Kailangan ko 'tong gawin para sa pyuchur natin.
"Ah ma'am! Sandali po!" Humarang ako sa kanyang harapan para patigilin siya sa paglalakad. Tinaasan niya ako ng kilay.
"M-May regalo po akong binili sa inyo. Baka magustuhan niyo po. Pinag-ipunan ko p—"
"Keep it. Hindi ko kailangan niyan." Ang pagputol niya sa sasabihin ko bago tinampal ang aking kamay na nakataas sa kanyang harapan. Nabitawan ko tuloy ang ang regalo ko. "Don't put your dirty hands near me."
"Mamita!"
Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin kay Ian na nakatayo na ngayon sa tabi ko.
"Are you shouting at me, Alaric? Nawalan ka na ba ng modo dahil sa lalaking 'to?" Nanlaki ang mata ko.
"Hala! Hindi po. Hindi ko po siya tinuruan ng gan'on. Hindi po sinasadya ni Ian na s-sigawan ka." Tumingin ako kay Ian at ngumite. Nagmamakaawa ang mga mata ko na sabihin ni Ian na hindi niya 'yon sinasadya. "D-Di ba? Di ba, Ian?"
Bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. "Sunshine..."
"Okay lang ako, Ian. S-Sige na, balik muna ako kina Kirby." Pinulot ko ang regalo na natapon sa sahig at nahihiyang naglakad pabalik sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...