18

60.5K 2.6K 1K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Mas lalong sumakit ang puso ko nang ngumite si Ian kay Lee. Ginulo pa niya ang buhok nito kagaya ng ginagawa niya sa akin dati. Gan'on talaga siguro si Ian kapag frens niya.

"Ian, you got me worried n'ong mabalitaan ko ang nangyari sa'yo. Akala ko...akala ko patay ka na." Bakas ang lungkot sa boses ni Lee habang sinasabi 'yon.

"I'm fine now, stop crying."  Napakagat ako ng labi nang hawakan ni Ian ang mukha ni Lee para punasan ang mga luha niya. Tapos sumigaw pa yong dalawa niyang kaibigan na parang iniihaw na baboy.

"OMG! They look so bagay di ba?" Ang tanong ni Hebin sa akin bago muling tumingin kina Ian.

Napanguso ako at tumalikod. Ayaw ko silang tingnan. Biglang pumangit ang mukha ni Ian sa paningin ko. H-Hindi sila bagay dalawa ni Lee. Sobrang pangit ni Ian tas maganda si Lee. Hindi sila magandang tingnan talaga. Parang mas bagay kami ni Ian kasi....kasi pareho kaming pangit dalawa.

"B-Bakit ka nga pala nandito, Ian?" Ang narinig kong tanong ni Lee dito. Lumingon ako kaunti sa likuran ko at sinilip si Ian.

"I'm here for Piyo. I heard he's here." Ang sagot niya kay Lee bago ibinaling ang paningin sa direksyon ko. Mabilis akong tumingin sa harapan ko at humalukipkip.

Hmp! Akala ko nakalimutan na ako ni Ian. Akala ko si Lee talaga pinunta niya dito at hindi ako. Baka hindi naman talaga ako hinahanap ni Ian.

"Piyo!"

Piyo nalang! Hindi na sanshay tawag ni Ian sa akin. Dahil ba nandito si Lee kaya hindi na niya ako tinawag na sanshay? Siguro kras ni Ian si Lee kaya gan'on. Sana hindi kasi kapag kras ni Ian si Lee, liligawan niya ito tapos magiging girlfren niya si Lee. Hindi na kami pwedeng mag-kiss ni Ian kapag gan'on.

Parang may kung anong takot at lungkot akong nararamdaman sa puso ko. Sabi ko sa sarili ko okay lang mag-asawa si Ian basta hindi niya ako itaboy palayo. Magiging masaya ako para kay Ian kapag masaya siya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?  Bakit ayaw kong makita si Ian na masaya kasama ang iba? Shellpish ba ako kapag gan'on ang iniisip ko? Sabi ng Austine shellpish yon hindi starpish.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ian sa likuran ko. Hinawakan niya ang balikat ko at pilit akong pinapaharap sa kanya.

"Piyo, Pi—" Tinanggal ko ang kamay niya mula sa balikat ko. Hinarap ko si Ian at halatang nagulat siya sa ginawa ko. Walang pasabi ako yumakap dito.

Sabi ni Ian sa akin lang siya magpapakasal. Nagpramis siya Sa akin eh. Panghahawakan ko yon.

"Natakot ka ba kanina? I'm sorry. Uuwi na tayo, hm?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit pabalik.

"Is he your long lost kapatid ba, Ian? Di ba you have a half sister maybe kapatid mo rin siya?"

Napasimangot ako. Sumilip ako mula sa dibdib ni Ian at tiningnan si Kim. Namilog ang aking matang tumingala kay Ian. Hala! Baka magkapatid nga kami ni Ian. Diba kasi sabi ng mama ni Ian mama daw itawag ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit mama tawag ko sa kanya kahit hindi ko siya totoong mama. Hindi rin kami kasal ni Ian.

"Magkapatid tayo, Ian?" Ang naluluha kong tanong sa kaya. Edi mas bawal na kaming mag-kiss dalawa.

"What? Fuck, No!" Ang malakas niyang sigaw na ikinasindak naming lahat. "Hindi tayo magkapatid."

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon