4

67.2K 2.9K 1.6K
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Nakangiti ako habang pinupunasan ang salamin ng paspod chain na pinagtatrabahuan ko. Masaya ako kasi limang na araw ng nasa bahay si Ian. Palagi siyang nandoon tuwing uuwi ako. Tapos minsan wala pa siyang damit kaya nakikita ko ang masels niya hehe.

Mayroon na akong kasamang kumain at katabi matulog. Minsan rin ay tinuturuan niya ako mag englis at mag math katulad ng dibaydibayd, mul–molpi–basta! 'yong tayms. Tapos marunong din ako ng adiksyon at sabstraksyon.

Pakiramdam ko nga pwede na akong maging kahera. Kapag nangyari 'yon mas malaki na ang sweldo ko. Mabibili ko na ng masarap na ulam si Ian. Nahihiya kasi akong ipakain sa kanya ang mga nakasanayan kong kainin kaya bumibili ako ng tigli-limang peso na ulam.

"Hoy bakla! 'Wag ka ngang tumunganga diyan. Linisin mo 'yong cr. May nakabarang tae." Ang narinig kong utos ni ma'am Jaijai. Siya ang manager dito sa pinagta- trabahuan ko.

"Ma'am Jai, wala po tayong plander eh. Tinago niyo po." Ang kinakabahang paliwanag ko dito. Ngumite nalang ako para hindi gaanong halata.

Kahit tag three hunred lang ang sweldo ko sa isang linggo bilang janitor mas mabuti na 'yon kesa noong 'nanlilimos ako. Wala na kasing nagbibigay sa akin kasi matanda na raw ako.

Gustong-gusto kong magtrabaho kaso bobo naman ako at walang pinag-aralan. Hanggang grade 1 lang ako. Si madam Tessi lang ang tumanggap sa akin kasi tatlong araw akong lumuhod sa harap nitong paspod chain.

"Hoy! Hoy! Anong tinago ko? Sira na 'yon kaya dinala ko sa bahay. At anong plander-plander? Plunger 'yon. Bobo ka talaga!" Aniya at malakas na dinuro-duro ang ulo ko kaya mariin nalang akong napapikit. Baka kasi ang mata ko ang tusukin niya, eh gusto ko pang makita si Ian.
"Gusto mong sesantehin kita ha?!"

Mabilis akong umiling. Ayoko pang masesante, naubusan pa naman ako ng bigas sa bahay. Ano nalang ang ipapakain ko kay Ian.

"Ayoko po..." Ang pabulong kong sagot dito.

Bumuntong hininga na lang ako at ngumite. Inisip ko nalang ang masels ni Ian na makikita ko pag-uwi sa bahay. Iniisip ko rin ang ngiti ni Ian pag-uwi ko tapos ginugulo niya ang buhok ko at tinatapik. Tuwing gabi rin ay pinapatabi niya ako sa kanya. Kaya kahit mahirap mag-igib ng tubig sa sapa tuwing hapon ay nag-iigib pa rin ako para makapaglinis ako ng katawan at hindi mandiri sa akin si Ian.

Dumiretso ako sa resrum at nagsuot ng gwantis. Tiningnan ko ang lumulutang na dumi sa kubita ng isang kubikol doon at napahagikhik. May mga malunggay pa kasing lumulutang. Mabuti nalang at sanay na ako dito at hindi nandidiri.

Matapos kong malinis ang buong resrum ay lumabas ako sa likurang bahagi ng gusali para itapon ang basura galing sa mga kubikol. Medyo mabigabigat rin ito dahil limang kubikol ang nandoon at karamihan sa laman ng basura ay mga supot na may puting likido, mga pantapal sa pepe ng mga babae kapag dinudugo at mga malalaking bato. Hindi ko alam bakit may mga bato sa laman ng mga basurahan.

Matapos kong maitapon ang mga basura, nakita ko sila Chino at Bobit sa may bukana ng malaking trak. Ito 'yong trak na nagde-deleber ng mga pagkain sa loob. Nakita kong may sinisinghot silang dalawa na parang mikmik sa papel gamit ang straw.

Ilong pala ang gamit kapag kumakain ng mikmik? Sinasawsaw ko lang kasi ang kamay ko diyan noon.

Si Chino ay ang kapwa ko tagalinis. Siya nga dapat ang naglilinis doon sa resrum kaso girlpren niya yata ang manager namin kaya palagi siyang naka lans..lansh...lungs break? 'Yon yata 'yun eh 'yong wala kang ginagawa sa oras na 'yan.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon