Philip Yoshieke Magnao
"Ian..s-sandali..ah.." Napatakip ako ng bibig ko nang sipsipin na naman ni Ian ang sensitibong parte ng leeg ko. Nakakaliti. Masarap. Saka may kaunti ring sakit tuwing napapadiin ang ngipin ni Ian doon.
Pagkatapos naming mag-usap ni Ian kanina, magkayakap kaming natulog sa kama. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Ian paggising ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mapatitig sa kanya. Pero iyong labi talaga niya ang nakaagaw ng pansin ko. Sinubukan ko siyang nakawan ng halik kaso nagising siya nang nilalapit ko palang ang mukha ko sa kanya. Hinuli niya ang labi at sinimulan akong i-kiss.
Ipinulupot ko ang mga paa ko sa bewang ni Ian at mas lalo pang idiniin ang katawan niya sa akin. Tuwing nagkikiss kami ng ganito ni Ian palaging may kung anong kumikiliti sa puson ko pababa sa ano ko. Hindi ko mapigilang ikiskis ang katawan ko kay Ian tuwing gan'on. Ramdam ko ring lumalaki iyong nasa loob ng pantalon niya kapag ginagawa ko 'yon.
"Ian, mainit.." ang anas ko. Bumaba ang mga labi ni Ian sa ibabaw ng balagat ko at nagsimula na namang sumipsip at kumagat doon. Taas baba naman ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Hmmm?" Patuloy lang si Ian sa ginagawa niyang pag-kiss sa leeg ko. Hindi ko alam kung bakit ang init ngayon. Nakabukas naman ang ang arcon sa kwarto ni Ian. "Mainit?"
Nanayo ang balahibo ko sa katawan nang marinig ang kakaibang boses ni Ian. Mas mababa ito kumpara sa totoong boses niya. Hindi kaya may sakit si Ian? Tunog namamaos kasi siya.
Mabilis kong minulat ang mga mata ko at sinapo ang magkabilang pisngi ni Ian. "Ian, Ian, may sakit ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" Ang nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napatigil siya at unti-unting pumalahaw ng tawa. "I'm not sick. I'm seducing you, idiot." Ang nakangisi niyang sabi bago ako siniil ng halik.
Padampi-dampi lang noong una ang halik ni Ian. Pero ayoko ng gan'ong halik gusto ko talaga yong may dila. 'Yon ang paborito kong kiss sa lahat. Kaya humanap ako ng pagkakataong ipasok ang dila ko sa loob ng bibig niya. Agad na naglingkis ang mga dila namin ni Ian. Ang kamay kong naglalaro kanina sa kamay niya ay dahan-dahan kong pinagapang papunta sa kanyang likuran. Hindi nagdadamit ng pang-itaas si Ian kapag natutulog kaya malaya kong nahawakan ang mainit niyang balat at masels. Hehe.
"Ian, mainit talaga. Tanggalin ko muna ang damit ko," ang sabi ko sa gitna ng halikan namin.
Hindi nagsalita si Ian at tahimik akong tinulungan sa pagtanggal ng damit ko. Pansin kong namumula ang mukha niya habang tinutulungan akong tanggalin ang damit. Mabibigat rin ang ginagawa niyang sunod- sunod na paghinga. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin nang tuluyan ko ng matanggal ang aking damit.
"Piyo, kailan ka nga ulit duduguin?" Ang tanong niya. Saglit akong napaisip sa kanyang tanong.
"Sa susunod na buwan na yata, Ian. Bakit?"Ang nagtataka kong tanong habang hinihimas ang kanyang magaspang na pisnge.
"Nothing, you just smell so damn good." Ang mahina niyang sabi bago isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
Gumapang ang mga kamay ni Ian sa tiyan ko habang patuloy niyang pinapapak ang leeg ko. Parang may kung ano namang sinindihan sa loob ko nang masagi ni Ian ang maliit na bilog sa dibdib ko. Mas napakiskis pa ako lalo kay Ian. Lalong tumindi ang kagustuhan kong maramdaman ang init niya. Gusto ko pang idikit ang katawan ni Ian sa akin.
"Ian..." Ang nanghihina kong banggit sa pangalan niya.
Gusto kong sabihin kay Ian na ibalik niya ang kamay sa dibdib ko at panatilihin ito d'on. Pero bago ko pa man maisatinig ang gusto ko ay gumapang na naman pababa ang kamay ni Ian.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...