40

58K 2.4K 815
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Tumagilid ako para makaharap ang  gwapong mukha ni Ian. Maingat kong sinapo ang pisnge niya at marahan iyong hinagod. Ang kinis naman! Nakakahiya sa magaspang kong kamay.

Sinigurado kong kabisado ko bawat  parte ng kanyang mukha. Mula sa makakapal na kilay ni Ian, hitik na hitik na mga pilikmata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Dahan-dahan akong lumapit kay Ian at saka dinampian ng halik ang mga labi niya.

"I love you, Ian."

Pinigilam ko ang sarili na hindi maiyak habang bumababa ako sa kama. Maraming nainom si Ian kanina kaya sigurado akong bagsak siya ngayon. Tinanggal ko ang singsing sa aking palasinsingan at saka iyon inilagay sa lamesa katabi ng arm crack. Pati iyong selpon ay inilagay ko din sa lamesa.

Mabigat ang damdamin ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Gusto kong bumalik sa kama at yumakap ng mahigpit kay Ian pero ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay para sa magiging anak namin ni Ian. Gusto ko pang makita ang magiging anak ni Ian.

Si Ian... Kahit kailan hindi ako magagalit kay Ian. Ano man ang layunan ni Ian kung bakit siya nakipaglapit sa akin, hindi pa rin nito mababago ang katotohanang siya ang nagligtas sa akin mula sa kamatayan. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay. Tinuruan ako ni Ian kung paano lumaban. Tinuruan niya ako kung paano mabuhay. Tinuruan niya ako kung paano maging masaya. Binigyan niya ako ng pagasa.

Totoo man o hindi, ipinaramdam ni Ian sa akin na may halaga ako. Ipinaramdam niya sa akin na importante ako. Binigyan niya ako ng puwang dito sa mundo. Tinuruan niya ako kung paano maging matatag.

Kaya ngayon ako naman ang magpapahalaga sa sarili ko. Ako naman ang magliligtas sa sarili ko mula sa kapahamakan. Ako naman ang gagawa sa mga bagay na itinuro ni Ian sa akin. Ano man ang magiging kinabukasan ko, hinding-hindi ko kakalimutan ang taong naging dahilan kung bakit ako ngayon nandito.

Tagaktak ang pawis ko pagkalabas ko sa malaking gate ng bahay nila Ian. Mabuti nalang at hindi ako masyadong napansin ng mga kasambahay at iba pang tauhan dito sa bahay. Kaunti lang kasi sila kaya karamihan sa kanila ay tulog na.

Rinig na rinig ko ang tunog ng mga kuliglig habang naglalakad ako sa tabi ng daan. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ng malakas ang malamig na hangin. Wala akong ibang suot kung hindi ang manipis na pajama at damit at pambahay na tsinelas.

Hindi na ako nagdala ng mga gamit mula doon dahil bukod sa mahihirapan ako, ayoko rin maging masyadong makasirili. Gusto kong makapagsimula ulit. Gusto kong maging Piyo na hindi nakadepende kay Ian. Gusto kong maging tunay na ako. Ako naman ang kikilala sa sarili ko.

Ilang oras ko pang binaybay ang daan hanggang sa marating ko ang isang may kataasang gusali hindi kalayuan sa kainan nila Roro.

"Magandang umaga po, manong gard." Ang bati ko kay manong na nakasandal sa kanyang upuan habang nakapikit at nakangangang humihilik.

Ilang segundo akong naghintay na batiin niya pabalik pero hindi naman niya ginawa kaya dire-diretso akong pumasok sa loob. Pati iyong nagbabantay sa entrada ay natutulog din. Hindi ko nalang ginising si ate dahil sobrang himbing ng tulog niya. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa may hagdanan.

May nakasalubong pa akong lalaki at babae na kulang na lang ay maghubad  sa hagdanan habang kinakain nila ang mukha ng isa't-isa. Gumilid ako at saka nagpatuloy sa pag-akyat sa itaas  papunta sa kwarto ni kuya Jakjak.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon