Philip Yoshieke Magnao
"May malaki tayong problema,"
Sunod-sunod akong napalunok nang marinig ko ang seryosong boses ni kuya Haru. Parang may masama siyang sasabihin sa akin. Hindi kaya .... hindi kaya sasabihin nila na hindi nila ako totoong kapatid? Na namali lang pala sila ng nakuhang DNA test. Tapos pababayaran nila sa akin lahat ng nagastos nila sa akin.
Paano ko naman mababayaran 'yp 'Yong ipon ko sobrang unti pa. Tapos ang mahal pa ng gatas ng mga anak ko. Tapos ang lakas din nilang kumain.
"A-Ano pong problema, kuya?" Sinubukan kong pakalmahain ang sarili ko pero hindi ko talaga mapigilan. Nautal pa tuloy ako!
Dumating na rin sila kuya Hiro at Hayato na kasunod si mama. Pareho ni kuya Haru, seryoso rin ang kanilang mga mukha, maliban kay mama na halata ang pag-aalala dito.
Naupo silang tatlo sa tabi ni kuya at tahimik na hinintay ang susunod niyang sasabihin."Hindi ba't inaayos namin ang mga documents mo? We found out..." Lumingon siya kay kuya Hiro na ngayon ay kandong-kandong na si baby Isahito ko.
"Anong nangyari sa inyong dalawa ni Ian Juariz, Piyo? Sekreto ba kayong nagpakasal dalawa?" Ang tanong ni kuya Hiro na nagpagulat sa akin.
"A-Ako?" Ang nauutal kong tanong habang turo-turo ang sarili ko.
Tumango silang lahat sa akin. "Ikaw nga."
Tumawa ako ng malakas at saka nangingiting napatingin sa kanila. Ngayon ko lang nalaman na marunong din palang mag-prank sila kuya. Dinamay pa nila si mama.
"Anong klaseng prank 'yan, kuya? Dinamay niyo pa talaga si mama at ate Elsy sa kalokohan ninyo."
"Piyo, we're not pranking you. Hindi ba talaga kayo nagpakasal ni Ian?" Ang muling tanong ni kuya Haru sa akin. Seryosi pa rin ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Umiling ako bilang sagot. Gumapang si Isei papalapit sa akin at kumandong. Pinagmasdan ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Si Isei ang pinakatahimik sa kanilang lahat. Hindi siya gaanong makulit kagaya ng tatlo. Palagi lang siyang nagbe-behave.
Inabot niya ang supot sa tabi ko at kinuha mula doon ang isang box ng pocky at saka muling sumandal sa akin. "Mama, eat."
Kinuha ko mula sa kanya ang box at saka binuksan iyon. Natatawa kong inabot sa kanya ang bagong bukas na box. Bukod sa pagiging mabait, siya rin ang pinakamalusog at pinakamatakaw sa lahat.
"Mama, mama, I want pocky. More pocky, mama." Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang dalawa pa na hinahalungkat ang laman ng supot.
Si baby Isaichi ko nakaupo na sa tabi ng supot habang nginangatngat ang Taiyaki kahit nakasilid pa ito sa plastic. Si Issei naman isa-isang nilabas mula doon ang pinamili ko. Nang makuha niya ang lata ng corned beef, nahiga siya sa tabi ko. "Cook corned beef, mama."
"Oh my," Nakita kong natawa sila mama sa ginawa ng tatlo. Bumaba na rin si Isahito mula sa pagkakandong kay kuya at lumapit sa amin. Nagi-squat siya sa harap namin ni Isei at kumuha ng isang stick doon.
"Ehem."
Natigil ang kasiyahan namin nang tumikhim si kuya Haruhito. Bakit ba ang killjoy nitong si kuya? Hehe! Tama na ba yong pagkakagamit ko ng mga english words?
Nag-aral talaga ako ng mabuti kung paano mag-english kasi sobrang hirapan ng lenggwahe nila mama. Nahihirapan na nga ako sa english iyon pa kayang pang-hapon na salita. Kahit sabi nila mama okay lang daw na hindi ako matutong mag-english nakakaintindi at nakakapag salita naman sila ng tagalog.
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...