31

55.3K 2.3K 1.7K
                                    

Alaric Ian Juariz

Napatitig ako sa maamong mukha niya habang natutulog. After years of sleeping inside an airconditioned room, her skin became lighter. Her face grew more mature and lady-like.

Maingat kong hinila ang isang upuan at naupo sa kanyang tabi. Ayoko sanang iwan si Piyo kanina sa bahay pero pinatawag ako kanina sa isang importanteng board meeting. Sumaglit ako dito basement para i-check na rin ang kondisyon ng babaeng 'to.

Ang sabi ni Mario, ang pinsan kong doktor, stable na raw ang heartbeat niya. Eight years ago, iminungkahi ni Mario na buksan ulit ang pinasarang lab ni lolo. May isang katawan pa ng carrier ang na-preserve mula dito. Isa iyon sa ginamit namin.

Para ipagpatuloy ang research na ginawa nila lolo, bumili kami ng mga labi ng mga carriers na walang nagmamay-ari sa mga hospitals sa loob st labas ng bansa. It was hard to get one, but my connections made it easier.

"Hey, happy birthday. You're 28 years old today. Sobrang tagal mo ng natutulog, gago. Ang aga mo pa akong ginising kanina." Mahina pa akong natawa habang inaalala ang madungis niyang mukha. I raised my hand and moved a strand of her hair aside. "Naalala mo ba 'yong kinwento kong lalaki na tumulong sa akin? The one who might potentially heal you? I made love with him. Magnus left with me with a lot of questions. And what happened last night gave me answers."

Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniaalala ang nangyari kagabi. The way he called my name, the way he breathed, the way he moved his body, it was hard to forget. It was much better than my fantasies.

"Hindi ko alam na ganito pala magmahal. Akala ko 'yon na 'yong kay Melisa. I did love her kahit iba ang intensyon ko noong una ko siyang makilala. Pero hindi pala ito makakapantay sa nararamdaman ko kay Piyo. It's crazy. It's confusing."

I throw my head back at saka napahilamos sa aking mukha. Hindi ko namalayang unti-unti na palang pumatak ang mga luha ko. I can't hold it in anymore. Tangina. Ang hirap magpakatatag.

"I want to save you. I really do, Nat. I am trying. Kaya nga binuksan ko 'to kahit delikado kasi ayokong maubusan ng oras. Pero sobrang hirap pala. The longer you stay asleep the more it's harder for me to grip on my hope. Alam kong malaking posibilidad na siya ang makakatulong sa'yo but I don't think I can bear it. Hindi ko kaya, Nat. I'm sorry. I'm so sorry. I'm sorry if I'm being selfish." Napaluhod ako sa harapan niya at napahagulgol ng iyak. Kahit nanginginig ang mga kamay ko nagawa ko pa ring maingat na mahawakan ang  kanyang malamig na kamay.

She's lying here because of me. Because she tried to save me. She was selfless enough to trade her life with mine.

At alam kong kailangan kong pagbayaran ang buhay na inutang ko sa kanya sa pagtupad ng kahilingan niya. But I can't trade Piyo's life anymore. Siguro ay kaya ko pang masikmura dati, pero ngayon? It'll drive me insane.  Tuluyan na niyang nilukob lahat ng espasyo dito sa puso ko. He did it so swiftly; I didn't notice I was falling in my own trap.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at muling naupo sa tabi niya. Inabot ko ang pisnge niya at pinunasan ang kumawalang luha. My hand can't stop shaking as I wipe her cheeks. I know she's still there. I know she's listening.

"I can't bear to lose him now, Natty. Natatakot akong isipin na hindi ko na makikita ang mga ngiti niya isang araw. Natatakot akong magising isang araw na hindi naririnig ang mga tawa niya. I don't think I can live a life without him anymore."

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon