Philip Yoshieke Magnao
Napaungot ako nang wala akong Ian na nakapa sa aking tabi. Sa isang maginaw at malambot na kama dumampi ang palad ko sa halip na mainit na masels ni Ian. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at humikab. Sumandal pa ako sa ulunan ng kama at saglit na pumikit.
Nagising ako mula sa papatulog kong diwa nang may marinig akong boses na nanggagaling sa balkonahe ng kwarto. Si Ian ba 'yon? Lumingon ako sa gilid ko at tiningnan ang arm crack na palaging tinatapun ni Ian tuwing nag-iingay ito tuwing umaga.
Dinampot ko ito at inilapit sa mukha ko. Alad kwatro? Alas kwatro pa ng umaga? Bakit naman ang aga gumising ni Ian? Wala naman siyang werk ngayong araw.
Humihikab akong bumaba ng higaan. Hindi na ako makakatulog ulit kapag wala sa tabi ko si Ian. Sasama nalang ako doon sa kanya sa balkonahe.
Ang malapad at machong likuran ni Ian ang nakaharap sa akin kaya hindi niya ako nakita na papalapit sa direksyon. Napangiti ako ng dumako ang aking paningin sa kanyang matambok na pwet. Kapag nag-aano kami gusto kong pinipisil ang pwet niya gamit ang kamay o paa ko.
"Ian?" Sinubukan kong tawagin ang pansin ni Ian pero abala pa rin ito sa tawag niya. Hindi niya yata ako narinig.
"The presidential suit is not available? But I told my secretary to take care of that. Fine! Okay ... Alright. Dadalhin ko bukas si Piyo sa laboratoryo. Ihanda niyo ng maayos ang lugar sa pagdating namin."
Natuod ako sa aking kinatatayuan ng marinig iyon mula kay Ian. L-laboratoryo? Anong laboratoryo ang sinasabi ni Ian? Hindi naman siguro ito 'yong...
Agad na pumasok sa utak ko iyong ibinigay sa akin ni kuya Jakjak tatlong araw na ang nakakalipas. Iyong mga larawan ng laboratoryo kuno nila Ian. Iyong sulat niya tungkol sa eksperimento nila Ian. Iyong babaeng nakahiga sa isang kama habang may mga makinang nakakonekta sa kama. Lahat ng 'yon bumalik sa isipan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko at muling napatitig sa likuran ni Ian. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Walang pumapasok sa isipan ko ngayon. Natatakot akong tanungin si Ian. Natatakot ako sa magiging sagot niya.
"We'll visit tomorrow. Not today. Her mother asked for more time with her. Bukas ko na siya dadalhin diyan bago natin tuluyang patayin—"
Hindi ko na tinuluy ang pakikinig kay Ian at mabilis na bumalik sa higaan namin at saka nagtalukbong ng kumot. Biglang namanhid ang buo kong katawan sa narinig ko mula kay Ian.
Mabilis akong nagpanggap na natutulog nang marinig ko ang mga yabag ng paa ni Ian na papalapit sa akin. Ramdam ko ang paglundo ng kama sa tabi ko at ang paglapat ng mainit niyang katawan sa akin. Maingat na hinalikan ni Ian ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
Hindi ko napigilan ang luha na kumawala sa mga mata ko.
Bakit, Ian?
Totoo ba talaga lahat ng pinapakita niya sa akin? Minahal nga ba talaga ako ni Ian?
Iyong mga mga halik niya, iyong mga aylabyu niya, iyong mga pangako niya, iyong pag-aalala sa akin, iyong kasal. Totoo ba talaga 'yon? Totoo ba talaga 'yon o pagpapanggap lang lahat?
Pero bakit? Bakit? Bakit kailangan niyang gawin lahat ng 'yon. Bakit kailangan niyang maging mabait sa akin. Bakit kailangan niyang bigyan ako ng rason para mabuhay? Bakit kailangang sabihin ni Ian na mahal niya ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/216818697-288-k502728.jpg)
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...