Philip Yoshieke Magnao
"Payagan mo na ako, ples?" Niyakap ko si Ian mula sa kanyang gilid at nakangusong tumingala. "Ples? Ples, Ian ko."
Seryoso ang mukha niya ng niyuko niya ako. Saglit na Pinagmasdan ni Ian ang buo kong mukha at saka siya tumingala. Napasimangot ako ng tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Pero agad din iyong napalitan ng ngite ng hilahin niya ako papunta sa harap niya at saka niyakap.
Itinaas ko ang dalawa kong braso at iniangkla iyon sa leeg ni Ian. Hinila ko pababa sa ang mukha niya para mahalikan ko siya. Alam kong susuko din si Ian kapag ginalang ko ang pag-kiss ko sa kanya hehe.
Paulit-ulit kong hinahalikan ang labi niya. Hindi ko tinatagal ang mga labi ko doon. Kapag huhulihin niya ang ibaba kong labi ay agad din akong lalayo sa kanya. Hehe.
"Ugh! Sunshine..."
Napabungisngis ako ng marinig ang tila naghihirap na boses ni Ian. Bakas ang pagka-dismaya at inis niya. Hehe. Ang kyut talaga ng Ian ko.
"Payagan mo na kasi akong pumunta kay manang! Ples naman, Ian. Lab mo ko 'di ba? Kapag lab ako dapat papayagan akong pumunta kay manang. Sige na. Aylabyu, oki? Saka..." Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka pinagapang ang mga daliri ko sa matigas at malapad na dibdib. Inilapit ko rin sa kanyang tenga ang bibig ko. "Saka pwede tayong mag-jugjugan pag-uwi ko, Ian."
Pinakawalan ko na ang leeg niya at sumampa sa lamesa na sinasandalan ko. Nahiya ako bigla sa ginawa ko. Si Tine kasi! Sabi niya kapag may gusto ako tapos ayaw ni Ian dapat gan'on lang daw gawin ko.
Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay ni Ian pagkatapos marinig ang sinabi ko. "Anong jugjugan, sunshine?"
"'Yong mag-aano, Ian! Katulad noong ginawa natin noong nakaraang linggo. Yong ano ba 'yon sa ingles.." Napakamot ako sa ulo habang iniisip kung anong ingles n'on. "Ah! 'Yong ginagawa sa pxrnhub ba! 'Yong kxntxtxn, Ian! Yong sxx. Oo tama! Magsx-sxx tayo mamaya, Ian."
Sa halip na matuwa si Ian sa sinabi ko mas lalo lang yata siyang nagalit. Sirang-sira na ang mukha niya. Parang kakainin niya ako ano mang oras. Hehe. Gusto ko 'yon.
Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa bewan ko at saka nagmarcha papunta sa pintuan.
"I-Ian, saan ka pupunta?" Ang tanong ko habang nakasunod sa kanya. Nautal pa tuloy ako dahil sobrang sama talaga ng mukha ni Ian.
"Sa simbahan."
Akmang bubuksan niya dapat ang pintuan pero mabilis ko siyang pinigilan. Hindi siya pwedeng umalis hangga't hindi siya umu-oo.
"Bakit? Bakit? Bakit ka pupunta doon, Ian?"
Tila nagbabaga ang kanyang mga mata ng ibaling niya ito sa akin. "Bibili ng isang drum ng holy water."
"Huh? Hoely wotar? Bakit? Aanhin mo, Ian? Gusto mo na bang mag-pari?" Ang nagtataka kong tanong.
"Hindi, ipapalaklak ko kay Austine." Aniya saka ito sinundan ng isang marahas na buntong hininga. Hinila niya ako papalapit sa kanya saka niyakap. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Kung anu-anong itinuro sa'yo ng baliw na 'yon."
Yumakap rin ako sa bewang niya at napangiti. Ang bango ni Ian. Mas gusto ko ang amoy niya kapag bagong gising. "Sunshine, totoo ba 'yong sinabi mo kanina?"
"Ang alin?"
"Na.." Narinig kong tumikhim siya. "Magju-jugjugan tayo."
"Hmm...basta papayag ka na pumunta ako kila manang. Saka nagpaturo ako kay Austine at Roro kung paano hindi sumakit ang katawan ko ng ganoon kinabukasan. Nag-eserksays na ako ng mabuti, Ian! Gagalingan ko mamaya. Marami akong pinanood."
BINABASA MO ANG
JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]
HumorJuariz Bachelors #4 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Bata pa lang ay nasanay na si Philip Yoshieke Magnao o Piyo sa pag-iisa. Iniwan siya ng ina para harapin ng mag-isa ang mundo sa murang edad. Sa kabila ng mga problemang ibinabato sa kanya ng mundo...