3

62.1K 2.8K 1.7K
                                    

Alaric Ian Juariz

I woke up feeling better than I did this morning. Inilibot ko ang paningin sa loob ng maliit na kwarto at walang nakitang bakas ni Philip. Dumungaw ako sa bintana at nakitang dumidilim na.

I went out to check kung nasa labas ba si Philip but I did not see anyone here. Lumapit ako sa lamesa dahil naramdaman kong kumalam ang aking tiyan. I just noticed how hungry I am at kahapon pa ako walang maayos na kain.

I opened the plastic lid covering the food at doon ko nakita ang isang sulat. Saglit pa akong napatawa at napangiti habang binabasa ang sulat niya. The hand writing isn't that good but I appreciate his effort for writing one for me. Hindi naman ito ganoon kahirap maintindihan.

Der eyan mag work ako mamaya pa akong ala syete uuwi may pagkain akong niluto at iniwan sana magustuhan mo kasi piborit ko yan pram piyo

I was smiling the whole time I was reading his letter. Kahit ilang oras pa lang kaming nagkakakilala but it feels like I knew him too well. I can even imagine his expression while reading this.

Tiningnan ko ang isang maliit na bowl at nakita ang isang corned beef yata. I know this is not the kind of food I'm used to eat but with Philip or Piyo's financial situation I think this is more than enough for him. This is luxury.

Binuksan ko rin ang maliit niyang kaldero na may lamang kanin. Hindi pa nga ito nababawasan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung nakakain na ba ito. His body horrifies me. Sobrang payat kasi nito.

Tinungo ko ang kanyang maliit na kusina at kumuha ng isang plastic na plato doon at kutsara. Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang lumabas ng kubo. Hindi pa naman gaanong madilim, papadilim pa lang. Bumaba ako sa isang hagdan na gawa sa kawayan na sobrang rupok. Rinig na rinig ko pa ang tunog nito habang bumababa ako. Parang kahig anong oras ay bibigay na ito.

I look around his little garden. There are three chickens roaming around. May mga malunggay, amplaya, kamatis, libato at talong. Natatabunan rin ng malalaking punong kahoy ang lugar niya.

"Meow." Napatigil ako sa pagmumuni-muni at napayuko para makita ang isang puting pusa na hinahagod ang kanyang katawan sa paa ko.

Mukha ito ang pusang kinausap kanina ni Piyo. I sat down and softly scratch his neck. Mas lalo nitong inilapit ang sarili niya sa akin matapos kong gawin iyon.

"You like that?" Dinilaan nito ang kamay ko at naglakad papalayo sa akin.

Dahil wala naman akong gagawin dito ay sinundan ko nalang ang pusa papunta sa likod bahay. Sa tingin ko ay dito naglalaba at nagsasampay si Piyo. May maliit ring kubeta na pinalibutan lang ng tarpaulin at isang baboy na nakatali sa isang puno doon habang himbing na himbing na natutulog.

Umupo ako sa upuan na malapit sa dingding ng bahay at inilabas ang aking cellphone. I want to try and contact Jonas or any of my brothers.

Pagbukas ko ng cellphone, ang mukha kaagad ni Melisa ang bumungad sa akin. Ito 'yung kinunan ko siya ng litrato habang palihim kaming nagde-date sa mall. It was one of my best moment with her.

Sa halip na si Jonas o sino man sa mga kapatid ko ang unang tinawagan ang numero ni Melisa ang una kong idenial. I was hoping of hearing her voice. I was hoping for her explanation.

Kung natuloy ang kasal namin baka nasa Paris na kami ngayon while enjoying our honeymoon. I remember how she would gush over anything related to Paris and I would always laugh over her silliness.

“Congratulations! You’ve reached the right person! It’s Melisa Mabunga. Unfortunately, you’ve called at the wrong time. Please leave a message with all your contact information, and I’ll call you back within 24 hours.”

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon