5

65.9K 2.8K 1.1K
                                    

Alaric Ian Juariz

It's already past 10 pero gising pa rin kaming dalawa ni Piyo. Piyo forced his way on my bed again. Tumabi ito sa akin at ginawang unan ang braso ko. What I find strange is that I don't hate it. I don't hate the feeling of Piyo inside my arms.

"Piyo, saan ka nga ulit nagta-trabaho?" Tanong ko dito habang nakapikit at pinaglalaruan ang kanyang buhok gamit ang kamay braso kong ginawa niyang unan.

Sumiksik at yumakap ito lalo sa akin. "Sa Moobis, Ian. Masarap 'yong prayd sheken nila don." Ang sagot niya. I opened my eyes and smiled at him.

"You wanna eat some?" Ang mahina kong tanong dito. My nights here were very calm and peaceful. Ilang taon na rin akong walang maayos na tulog dahil sa trabaho.

Hindi sumagot si Piyo at patuloy lang na pinaglalaruan ang kwentas ko. Saglit pa itong humikab.

"Piyo," Ang pagtawag ko sa pansin nito.

"Hmmm?"

"Bakit hindi ka sumagot?" Tabi g ko dito.

Tumitil ito sa paglalaro ng kwentas ko at napakamot sa kanyang noo. Tumingala ito sa akin at ngumuso. "Eh hindi ko naman 'yon naintindihan, Ian, eh. Pwede magtagalog ka na lang?"

Sa di malamang dahilan, biglang nanuyo ang lalamunan ko pagkakita sa kanyang mapupulang labi na nakaturo sa mukha ko. Parang may kung anong nag-uudyok sa kaloob-looban kong hapitin pa ito papalapit sa akin at angkinin. I wanna taste that full lips. I wanna know if it's sweet like him.

And so I did.

I cupped and pulled his face closer to me. We were now looking at each other's eyes intently. His eyes were wide and dark. Visible confusion was written all over his small face. I gave him a small smile and kissed his forehead lightly.

"What do you want me to do with those guys, Piyo? How should I punish them for you?" Bulong ko sa kanya bago ko hinalikan ang kanyang tenga na nagpaigik sa kanya.

"Hmm?"

Iniwas niya ang kanyang noo ng sinubukan ko ulit halikan ang tenga niya. He tried to wriggle free from my hold pero mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap sa kanya. "Ian.  HAHAHA! Nakikiliti ako 'don." Ang natatawa nitong paalam sa akin.

Natawa na rin ako dahil sa tawa niya. "Where, sunshine? Dito ba?" Ang nakangisi kong tanong at muling hinalikan ang ibabang parte ng kanyang tenga. Damn, I never knew I could be this playful before. Ito yata ang natutunan ko sa palagiang pakikipag-usap sa gagong si Nathan.

"OO, Ian! HAHAHA!" Napuno ng malakas na tawa ni Piyo ang kwarto namin. And his laughing face is the most beautiful one I've ever seen.

Nakangiti kong itinigil ang pangingiliti sa kanya at hinayaan siyang pakalmahin ang sarili. Tinulungan ko rin itong punasan ang lumuluhang mga mata.

"Okay ka na?"

Tumango ito at inayos ang kanyang pagkakahiga sa braso ko."Inaantok na ako, Ian." Ang humihikab nitong bulong sa kawalan.

"Then sleep. Goodnight, sunshine." muli kong hinalikan ang noo nito at nilanghap ang malarosas nitong amoy.

"Kanina ka pa sanshay ng sanshay, Ian. Hindi naman ako si sanshay eh." Ang nalilito nitong sabi sa akin. I supressed my laughter with a smile.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon