25

58.1K 2.2K 192
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Sumilay ang isang maliit na ngite sa labi ni manang pagkatapos naming magtitigan dalawa. Nakakahiya! Natitinag pa tuloy niya ang mukha ko. Sana hindi siya naalibadbaran sa akin na pareho kami ng mukha.

Natatakot ako at baka magalit siya sa akin. Tapos sabihin niya sa akin na palitan ko ang mukha ko. Di ba kasi gan'on 'yon? Gan'on nakikita ko sa tibi eh. Ayaw ng mga mayayaman na may katulad silang mas mababa sa kanila. Accept nila Ian saka kila mama at nilang lahat sa bahay.

"Uh..ano po..." Nahihiya akong napakamot sa aking batok habang nakayuko.

Tumawa siya ng mahina. Sumilip ako ng kaunti at nakitang nakatitig siya sa akin habang nakangiti. "Ikaw ba ang nag-paint nito?"

"Mm! Opo!"

Tumango-tango siya saka naupo sa walang taong lamesa sa tabi. "It's really good, ijo. I like it. Sana makabili rin ako ng mga painting mo. Are you selling your paintings ba?"  Ang tanong niya habang binubuklat ang ang menu na nakapatong sa lamesa.

"Pwede po! Binebenta ko po 'yong mga pinting ko!" Ang masaya kong sambit.

Naalala ko kasi ang tungkol sa lola ni Ian. Gusto kong makabili ng regalo para sa kanya. Sabi ni Ian gusto daw ng lola niya ng mga alahas. May nakita akong tindahan malapit dito na nagbibinta ng mga alahas. Mukhang mahal ang mga paninda doon pero kakayanin naman. May apat na araw pa ako.

Nakita kong lumiwanag ang mukha ni manang sa sinabi ko. "Then I'll come back tomorrow. Dadalhin ko ang larawan ng ipapaguhit ko sa iyo. Is that okay?"

Saglit pa akong napatigil habang nakangiti para isipin ang nauna at huli niyang sinabi. Hindi ko kasi maintindihan. Den I cum back tamaraw? Ano 'yon? Tamaraw di ba 'yong bukas 'yon? Tapos ano... isdat oki? Aaahhhhh! Naiintindihan ko na.

"Ahhh..." Napatango ako saka ngumise sa kanyang direksyon. "Oki. Oki po."

"That's great! Ako nga pala si Misaki." Inabot ni manang Misaki sa akin ang kanyang kamay na malugod ko namang tinanggap.

"Ako naman po si Pi—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumapaw si Michi sa akin.

"Piyo? May ginagawa ka ba?" Napalingon ako sa likuran ko nang tawagin ako ni Michi na katrabaho ko. Si Michi iyong una kong naging kaibigan dito sa trabaho at nagturo sa akin kung paano gawin ang mga trabaho dito sa loob ng mamahaling kainan ni Roro

Tumigil siya sa tabi ko at yumukod sa customer namin. "Good morning, ma'am."

Ngumite si manang Misaki kay Michi. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mukha niya. Pareho talaga kami ng mukha. Siguro nawawala ko siyang kambal.

Pwede kaya 'yon? Pwede kaya kaming maging kambal kahit mas matanda na siya sa akin? Pag-uwi ko itatanong ko yan kay Tine.

"Good morning din. I'll call you again na lang kapag dumating na ang hinhintay ko. Thank you." Ang sabi niya sa amin saka ibinalik ang tingin sa menu.

Mabilis akong hinila ni Michi paalis doon at dinala ako papunta sa loob ng kitchen na abalang-abala. "Ano meron, Michi?" Ang nagtataka kong tanong.

"May biglang nag-order ng maramihan. Mukhang importante yata 'yong customer kasi tinanggap ni sir." Ang sabi ni Michi habang naunang naglalakad sa akin. Hindi pa rin niya binibitiwan ang braso ko. Saan ba kami papunta? Papalutuin ba ako ng Michi?! Gusto ko 'yon!

Agad na nasagot ang tanong ko nang tumigil kami sa harap ni Isko na naglalagay ng mga pagkaing nakabalot sa isang pepper bag sa loob ng deliberi bag. Panghuli niyang inilagay iyong mga nakabalot na sawsawan ng mga pagkain saka niya isinara ang bag at itinaas ito sa harapan namin.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon