17

62K 2.4K 421
                                    

Philip Yoshieke Magnao

Flashback

Ika-sampung anibersaryo ngayon ng pagkamatay nila Rio, Dio, Jekjek, Rayray, Obet pero heto pa rin ako at humihinga, ngumingite, kumakain at tinatamasa ang mga bagay na ninakaw ko sa kanila.

Kinuha ko mula sa tabi ang binili kong lubid at itinali iyon sa likuran ng bahay ko. Nagtabi talaga ako ng pera para makabili nito. Napangiti ako ng pagak nang mapagmasdan ang tahimik at napakapayapang paligid. Mamimiss ko ang lugar na 'to.

Natuto ako kung paano ito itali dahil sa iniwang bakas ng pagpakamatay n'ong dating may-ari nitong bahay na tinitirhan ko. Sinigurado ko munang mahigpit iyong pagkakatali at saka iyon isinuot sa leeg ko. Parang kwentas lang na uso ngayon yong shooker.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang ginaw na rin ng kamay ko. Napatid ko iyong upuan na tinatayuan ko na naging dahilan para mas humigpit pa ang pagkakadiin ng lubid sa leeg ko. Hindi ko alam ang iisipin. Dapat ba akong matakot? Dapat ba akong malungkot? Bakit hindi ako nakakaramdam ng kahit ano?

Unti-unti. Dahan-dahan. Alam kong paubos na ang buhay sa katawan ko. Alam kong kaunti na lang abot ko na ang kalayaan. Hindi magtatagal, matatapos na rin ang pagdurusa ko. Sapat na siguro itong kabayaran di ba? Buhay kapalit ng buhay.

"PIYO?! WHAT THE FCK?! TANGINA! TULONG! TULONG! SHIT!" Rinig ko ang pagkataranta ng isang pamilyar na boses. Hindi ko lang talaga matandaan kung sino 'yon.

Tumirik ang mga mata ko at mas ramdam ko na ang panghihina ng buo kong katawan. Akala ko abot ko na yong langit. Kita ko na eh. Kita ko na silang lahat. Naghihintay na sila sa akin kaso bigla silang nawala. May humihila sa akin papalayo sa kanila hanggang balutin ako ng kadiliman.

Pagbukas ko ulit nang mata ko, ang madili kong kwarto ang sumalubong sa akin. Napatakip ako ng mata at mahinang humikbi. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng puso ko. Bakit ba kailangan kong mabuhay dito ng mag-isa? Bakit kailangan kong maiwan dito ng mag-isa? Ayaw ko na dito eh. Palagi nila akong inaaway. Palagi nila akong sinasaktan, hindi ko naman sila inaano. Doon nalang ako kina Rio.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan?" Napatigil ako sa mahina kong pag-iyak, tinanggal ang brasong nakatakip sa aking mata at nilingon ang lugar na pinanggalingan ng boses.

"S-Sino ka?" Ang sumisigok kong tanong dito.

Napasinghap ako sa sobrang bilis ng pangyayari. Bigla ako nitong dinaganan at itinaas ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking ulo. Mahigpit pa niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko. "M-Masakit..." Ang mahina kong daing dito.

Nagpang-abot ang mga mata ko at ang pares ng maiitim na mga mata. Maganda! Parang may bituin sa loob n'on.

"Bakit mo ginawa 'yon? Anong karapatan mo?"

Ngunit bakas naman doon sa magaganda niyang mga mata ang matinding galit.

"A-ano bang ginawa ko? Hindi naman kita kilala, kuya. Ngayon lang kita nakita." Ang naguguluhan kong tanong dito.

"Anong karapatan mong kitilin ang buhay mo na naging kapalit ng buhay ng kapatid ko? Hindi mo ba ako naaalala ha, Piyo? Wala kang karapatang kalimutan ang mga taong sinaktan mo sa pagpatay ng mga anak at kapatid nila." Ang galit nitong sagot sa akin.

JB4: The Lost Doctor [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon