Chapter 27

316 4 0
                                    


CHAPTER TWENTY-SEVEN

"MS. ANDERSON!" sigaw ng isang Prof namin na kadarating lang.

Bored ko siyang tiningnan, mas lalong sumingkit ang mata niyang hindi na yata makaaninaw. Tumayo ako.

"What is the meaning of this?!" tanong nito at tinuro sina Fernandez, Del Mundo at Santos na ngayon ay kapwa umiiyak.

I roll my eyes. Bitches and their acting skills. Damn, bakit ba lahat ng mga feeling prinsesa magagaling umarte? Fuck, tapos yung mga lalaki gandang ganda sa katulad nila? Ew.

"They come to my office saying pinagbantaan mo daw sila. Kung ano ano daw ang sinasabi mong kasinungalingan." Striktang sabi pa nito.

Huminga ako ng malalim. "Ms. Minchin, I'm not spreading fake news or kasinungalingan. Second, sino namang pagsasabihan ko ng kasinungalingan na yon? Did you see my sister? No right, she's not here sino kakausapin ko bukod sa kanya?" malamig kong sabi saka tiningnan silang tatlo.

Nag-iiyak naman sila na kinagulat ko. Akala mo may death sentence sila at papatayin na ngayon kung umiyak. Tss.

"Nagdadahilan ka pa?! Alam naman ng lahat dito na isa kang spoiled brat at isang sutil na bata!"

Umirap ako sa hangin at umupo na.

"Sinabi ko bang umupo ka?!" mataray niyang tanong.

"Hindi mo rin naman sinabing tumayo ako kaya wala kang karapatang sabihin kung kaylan ako uupo kasi nagkusa akong tumayo." Sagot ko dito.

"Tingnan niyo?! Napaka-walang galang ng batang yan!" aniya pa sa mga classmates ko. "Hindi ko alam kung bat may mga batang bully na katulad niya."

Ako pa yung bully ngayon? Wow.

"I know, hindi kayo lahat katulad niya and don't be like her. Pupulutin yan sa impiyerno." Ani pa niya.

"H'wag kayong mag-alala, mauuna naman kayo don." Sagot ko na kinatawa ng mga classmates ko.

Pulang pula ang mukha niya at anumang oras ay mukhang sasabog na.

"QUITE!" sigaw niya sa buong klase na mga nagsitigil naman. "Hinihiling mo bang mamatay na ako, Ms. Anderson?!" galit niyang tanong.

"Paalisin mo yan, Klyzene!" sigaw ng isa kong classmate na kaklase.

"Oo nga."

"Booooo!"

"You're the one who said that, not me." ani ko. "You're boring to talk." Sabi ko at tiningan ang tatlong maria clara na ani mo mga babaeng kagalang galang dahil sa hitsura na.

"S-She said.... She's the green eye devil... we should respect her." Ani Del Mundo na sumisinok sinok pa.

Lumapit naman kay Del Mundo si Ms. Minchin, "Oh hija! Sobrang trauma ang tinamo mo." Aniya pa at hinaplos sa ulo si Del Mundo. Masama siyang tumingin sa'kin kaya umirap lang ako.

Kumunot talaga ang noo ko at di makapaniwala sa sinabi nito. Trauma? Talaga?! Trauma?!!

"Did I say that?" tanong ko sa tatlo saka tumingin sa mga classmates ko. "Do I mention that they should respect me?" tanong ko sa kanila. Umiling silang lahat. I smiled. "See, I have a lots of witnesses who have seen and heard everything. And you know me, Ms. Minchin, even though we're not friends and you're angry at me. You know me. I will not touch anyone kung hindi sila ang nauna." Malamig kong saad.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon