Chapter 90

276 4 0
                                    


CHAPTER NINETY

GABI na ng maka-uwi kami sa bahay. Medyo pagod pero okay lang dahil na-enjoy ko ng husto ang araw na 'to. Wala pa si Kuya dahil natambakan ng Gawain sa office na kaylangan na bukas. Nauna na kaming kumain dahil kaylangan ding uminom ng gamut ni Papa.

Ngayon ay nandito ako sa garden. Nags-star gazing, maliwanag pa ang bilog na buwan. Kinuha ko ang isang can ng beer at binuksan 'yon.

Huminga ako ng malalim saka tumungga. Napalingon ako sa likod ng may magsalita.

"I didn't know you already know how to drink liquor."

It's Kuya. "Hey..." bati ko.

"Hey too..." lumakad siya palapit sa'kin saka umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang isang bote at binuksan 'yon para maka-inom.

"You're early," puna ko.

"I bring the paper works here so I can go home early," paliwanag nito.

Tumango ako at tiningnan siyang mabuti. Medyo maitim ang ilalim ng mata nito at bakas na ang antok. Pagod rin ang hitsura nito dahil nakatanggal na ang neck tie at nakabukas ang tatlong butones sa taas. Wala na ring tuck-in.

"I'm not a heavy drinker... I just want to think," mahinang pagpapaalam ko sa kanya.

"Hmm..." ibinaba nito ang walang lamang can. "What are you thinking then?"

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa langit.

"I'm thinking about my life..."

"And then?"

"If my parents told me the truth earlier or if they never keep it as a secret... I will never ever will question myself. If they told me about it I will understand maybe I grew up happy, maybe, I grew up without thinking I'm different from them. Maybe... I'm not like this," malungkot kong wika sa kanya.

Lumingon ako. Nakita ko siyang nakatingin sa'kin ng mariin. Kita ko ang awa do'n kalakip ang bahid ng galit.

"But... that is okay now. I am with my real father and my other brother. You two are showering me with love and care. That's all I need right now. For now, I'm still mad at them but I know in the future... I will be able to forgive them," dagdag ko pa.

"I'm so proud of you, Klyzene," tanging nasabi ni Kuya.

"Yeah... I'm proud of myself too."

Natawa siya sa'kin. Itinaas niya ang kamay at ipinatong ito sa ulo ko. Sandali niya akong tinitigan sa mata bago ginulo ang buhok ko.

"I'm happy that you're not regretting your choice," mahina at may lungkot nitong wika.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "I'm not and I will not... give me a chance to prove myself in this family."

He gulped.

I give him a weak smile.

"Okay... I will..." tanginang nasabi niya.

Hinila niya ako payakap at gumanti naman ako. Hinilig ko ang ulo ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. Hinayaan kong nasa gano'n kaming posisyon kahit na sobrang lamig ngayon dito sa labas.

MALALIM na ang gabi ng pumasok kami sa loob ng bahay. Nauunang maglakad sa'kin si Kuya. Matikas ang likod nito. Napangisi ako sa idea-ng naisip. Mabilis akong lumakad palapit dito at patalong sumampa sa likod nito.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon