Good morning mga kapatid sa pagpupuyat! Wag sana kayo mahuli ng mga nanay niyong nagbabasa pa ng wattpad, hahahaha!
CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-TWO
I WAKE up with a headache. Paano kasi magdamag akong gising para bantayan ang video call namin ni Hunter, kahit naka-charge kasi ang kanya-kanya naming phone ay hindi pa rin namin pinuputol. It's been a week since naging routine na namin iyon. Walang nagre-reklamo sa isa't isa sa'min dahil pareho naman naming gusto 'yon.
Kaninang mga seven am ay nagpaalam si Hunter para maligo dahil aalis ito para pumasok sa opisina. Pumayag naman ako dahil kaylangan ko ring pumasok sa school, mayroon akong klase nang mga bandang ten am.
Hinayaan ko munang magpahinga ang cellphone ko habang naka-charge. Bumaba na ako ng kama. Inayos ko muna ang sapin bago ko pumasok sa loob ng banyo. Naghubad ako ng damit at naligo na. Nang mayari ako ay sinuot ko ang roba papasok sa walk in closet ko. Kumuha ako ng isang skirt na hanggang gitnang hita ang haba at isang t-shirt. Itinack in ko 'to.
Kinuha ko ang ankle boots ko sa ibaba at 'yung ang pinares sa suot na damit. Dala-dala ko ang bag ko nang lumabas ako ng kwarto. Nasa loob na ang mga importanteng gamit na daldalhin ko sa school.
Instead na magluto pa ng kakainin ko ay lumabas na ako ng unit ko. Ni-lock ko ng mabuti ang pinto bago lumapit sa may elevator. Pinindot ko ang open button, sumakay ako sa loob. May mga nauna sa'kin sa loob na ang punta rin ay sa ibaba kaya hindi ko na need I-push ang down button.
Sa harapan ako pumuwesto.
Ilang minuto lang ako naghintay at bumukas na ang elevator. Humakbang ako palabas at saka lumakad palabas pero natigil ako sa paglalakad nang madako ang mata ko sa may front desk. Tinuro kasi ako ng clerk sa lalaking naka-suot ng helmet at uniform sa isang flower shop.
Kumunot ang noo ko nang magsimula itong lumakad palapit sa'kin.
"Ms. Klyzene Anderson?"
"That's me. Is there any problem?"
Ngumiti ito at saka inabot sa'kin ang isang bouquet of flowers. Umawang labi ko. Kinuha niya ang kamay ko at pilit pinahawak ang bulaklak.
"W-wait—maybe your mistaking it—I didn't or—"
"Sorry, ma'am but I'm just doing my job. Its already paid, don't worry," anito saka inabot sa'kin ang isang paper, "please, sign here, ma'am," aniya kasabay ng pagturo sa may check na box. Hindi na ako nakatutol.
Kinuha ko ang ballpen na hawak niya at pumirma. Pagkatapos no'n ay tumalikod 'to paalis.
Naiwan akong tulala habang nakatingin sa punpun ng bulaklak na hawak ko. Inilapit ko ito sa ilong ko at inamoy. Napapikit ako sa bango. Nilayo ko at hinanap ng card ang bulaklak. May nakita ako kaya kinuha ko.
Binasa ko ang nakasulat. Hand written ito.
Kinagat ko ang pang-iibang labi ko upang pigilin ang kilig. Napuno ng init ang dibdib ko kasabay nang pagwawala ng mga paru-paru sa'kin tiyan.
Bumalik ako sa loob ng elevator at pinindot ang floor ng unit ko. Pinagmasdan ko ang bulaklak. Napaka-ganda. Ito ay Camellia flowers na kulay pink and red. Ang galing naman niyang pumili ng bulaklak. Malaki ang mga petals nito, nasa five to nine ang petals ng ibang bulaklak.
BINABASA MO ANG
The Green Eye Devil
RomanceShe owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katotohanan sa likod ng kulay ng kanyang mga mata? Klyzene Black Anderson's Story Started: Feb 24, 2021 E...